Skip to main content

Posts

Showing posts from May 27, 2007

TANING KO
Ni Ruben E. Taningco

MAIPAGKAKAPURING AMA Ang darating na araw ng Linggo, Hunyo 10, ay gugunitain bilang Araw ng mga Ama o Fathers’ Day, kaya may mga otel at mga pook liwaliwan, at maging mga malalaking tindahan, ang naghahandog ng paglilingkod at kagamitang inaakalang makakapagbigay kasiglahan sa mga ama ng tahanan. Sa ginawa ng may pitak nito na pananaliksik, napagtanto na ang mga kinikilala o dinadakilang ama ay anak ng mga dakilang ama. Halimbawa, ang kasalukuyan o pang-43 Pangulo ng Estados Unidos, si George W. Bush, ay anak ng naging pangk41 Pangulo o ni George H. W. Bush. Samantala ang artistang si Grace Kelly na naging Princesa ng Monaco, ay anak ni John B. Kelly Sr. na isang Olympic na nagtamo ng tatlong (3) medalyang ginto sa 1920 and 1924 Olympic Games. Ang kanyang kapatid na si John Kelly Jr. ay naging Olympic Player din. Ang kanilang nilalahukan ay boat rowing. Dito sa Pilipinas, alam ng lahat na si Pangulong Ferdinand E. Marcos ay anak ni Don Mariano Marcos na dina...

MAGAMPON, NANUMPA NA

ALAM INO S, Laguna – Sa pamamagitan ng isang payak na seremonyang pinangasiwaan ni Assistant Provincial Prosecutor Florante Gonzales ay pormal na nanumpa si Mayor-elect Eladio Masa Magampon, MD, noong Martes ng umaga, kasabay si Reelected Vice Mayor Ruben Donato Alvarez. Sang-ayon sa Certificate of Canvass na batayan ng proklamasyong isinagawa noong nakaraang Miyerkoles, si Magampon ay nagtamo ng kabuuang boto na 6,230, samantala si Alvarez ay nakatipon ng 8,809 boto. Ang walong (8) halal na kagawad ng Sangguniang Bayan ay sina Benito D. Avenido, 7,606; Jaime M. Banzuela, 6,455; Noel L. Monzones, 6,329; Rocel A. Macasaet, 6,028; Candelaria V. Calabia, 5,485; Leonoro Byron R. Bueser, 5,300; Darwin E. Tolentino, 5,285; at Roger R. Saspa, 4,984. Ang bumubuo ng Municipal Board of Canvasser ay sina Election Officer Ninevitch Cube, chairman; Municipal Treasurer Sofia Compio, vice chairman; at District Supervisor Violeta Manzanero, secretary. (BENETA News)

PAGHANDAAN ANG LA NIÑA – PAGASA

Ang mga umiiral na palatandaan, tulad ng pagbaba ng temperatura ng tubig sa Pacific Ocean, ay nagpapahayag na 55 porsyento ang pagkakataon na madarama sa Pilipinas ang epekto ng La Niña Phenomenon sa susunod na ilang buwan sang-ayon kay Senior Weather Specialist Daisy Ortega ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napalathala sa mga pahayagan sa Maynila noong Linggo ng umaga. Dahil dito, ang mga mamamayan, lalo na yaong mga nasa kinikilalang lugar na laging binabaha o flood-prone area, ay dapat na magsagawa ng mga hakbanging pangkaligtasan at pangkapanatagan ng pamilya, tulad ng pagsasaayos ng kanilang mga bubungan, pagkakaroon ng kahandaan kung saan magdaraan sakali’t mapanganib na bagtasin ang agos ng baha, at pagsasaalang-alang sa mga lugar na kung guguho o magkakaroon ng landslide dahil sa patuloy na pagpatak ng ulan ay maaaring magbigay panganib sa buhay at kasukasuan ng mga mamamayan. Sa pahayag naman ng ...

SERBISYONG PABLO’Y, PATULOY

Ang Serbisyong Pablo’y na pinasimulan nina Alkalde Vicente B. Amante at Konsehala Karen C. Agapay may dalawang taon na ang nakalilipas, na pagkakatoob ng mga pagpapayong legal at pampangasiwaan sa mga mamamayan, at isinasagawa tuwing araw ng Biyernes, ay patuloy sang-ayon sa pahayag ni Pedrito D. Bigueras ng City Information Office. Ayon pa kay Bigueras, nabanggit ni Konsehala Agapay, na bagama’t simula sa Hunyo 30, siya ay manunungkulan na bilang board member o kagawad ng Sangguniang Panglalawigan, at magkakaroon na ng tanggapan sa Bulwagan ng Sangguniang Panglalawigan sa Santa Cruz, ay mananatiling pangangasiwaan niya ang Serbisyong Pablo’y tuwing araw ng Biyernes sa One Stop Processing Center, kung saan siya ay madali ring mapagsasadya ng kanyang mga constituent mula sa mga bayan o munisipyong bumubuo ng 3rd District of Laguna. Ang 3rd District ay binubuo ng mga bayan ng Alaminos, Calauan, Victoria, Rizal, Nagcarlan, at Liliw, at Lunsod ng San Pablo. Iniulat ni Bigueras na sa ...

PHILHEALTH PROGRAMS, PATULOY NA IPINAKIKILALA

CALAMBA CITY - Nakatuon ang pansin sa kaisipang “Mahal Ang Magpagamot Ngayon,” ang PhilHealth Service Center dito sa pangangasiwa ni Membership Service Office Moises Dimayacyac Soriano ay patuloy na nagsasagawa ng information education campaign upang mahikayat ang marami pang mamamayan na masakop ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruahang Pangkalusugan, lalo na ang nabibilang sa mahihirap na sektor ng pamayanan o indigent families, bilang pagtugon sa pangarapin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ang lahat ay mapagkalooban ng kaseguruhang pangkalusugan. Ikinalulugod ni Soriano na ang kanilang tanggapan ay tumatanggap ng tulong mula sa mga samahan ng negosyante o mga nangangasiwa ng malalaking bahay kalakal sa mga industrial park dito sa una at ikalawang congressional district, at maging mula sa mga lider ng mga samahang sibiko, organisasyon sa paglilingkod, at kilusang relihiyoso. Ayon kay Soriano, ang limang pangunahing palatuntunan ng Philippine Health Insurance Corpora...

FATHER’S DAY AT ROCKPOINT-SAN PABLO CITY

One of the best way to show our love and respect for our father is for him to enjoy the Father’s Day Special being offered by Rockpoint Hotel, Spa and Conference Center along Maharlika Highway at Barangay San Antonio II, this city this coming Sunday, June 10, 2007, according to Ms. Liberty R. Timajo of the Public Relations Office of the said hotel. Ms. Timajo said the Father’s Day Special will feature Special International Buffet For Lunch or Dinner. It will be Eat All You Can, No Left Over at P395 per person, and children below 12 years old will receive 50% discount. There will be live performers from 7:30 to 11:30 p.m. Rockpoint-San Pablo is also offering Barkada-Family Package that would provide overnight accommodation where the guest could enjoy the hotel’s amenities. For details, the telephone numbers of Rockpoint –San Pablo are (049) 246-3194 and 0917-850 5505. The email address is libayrt@yahoo.com (RET)