Nagunita ni City Administrator Loreto S. Amante na sa darating na sa darating na Sabado, Hunyo 11, 2011, ay ganap ng isang taon na si dating Alkalde Zacarias Africa. Ticzon Sr. ay namamahinga, sapagka’t kanyang nagugunita na noong umaga ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong nakaraang taon, siya ay tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante na balangkasin ang isang opisyal na pahayag na nag-aatas ng paglalagay sa “half mast” sa watawat ng Pilipinas, at simula ng panahon ng pagluluksa alang-alang sa pagyao ng dating punonglunsod. Si Alkalde Zacarias A. Ticzon ay namayapa sa gulang na 89 noong araw ng Biyernes, Hunyo 11, 2010, sa kanyang tahahan sa EFARCA Village, Barangay IV-A, Lunsod ng San Pablo. Ang kanyang mga labi ay inilagak sa San Pablo City Memorial Park sa barangay San Gabriel noong tanghaling tapat ng araw ng Martes, Hunyo 22, 2010 pagkatapos mahandugan ng luksang parangal ng mga pinunong lunsod sa pangun...