Skip to main content

Posts

Showing posts from November 28, 2010

Nominees ng Education at Women Sectors

Mga kababayan namin sa San Pablo City, nabasa po namin sa bulletin board ng ating SPC Water District ang listahan ng mga nominees sa mababakanteng Board ng ating water district: WOMEN SECTOR: 1. NORMITA ANIVES, nominee ng YWCA of SPC 2. Dr. YOLLY BARLETA, nominee ng Daughters of Mary Immaculate Int'l. St. Paul 1st Hermit Circle 3. CLEOTILDE CAGANDAHAN, nominee ng Mother Butler Guild, San Pablo City Unit 4. NARCISA LEE HO, nominee ng Catholic Women's League at St. Jude Thaddeus Chapel 5. CHITA MEDINA, nominee ng Ladies of Charity 6. LERMA PRUDENTE, nominee ng Girl Scout of the Phil.at Kiwanis Club of Siete Lagos 7. EVA TICZON, nominee ng SPC Women's Federation 8. ELIZABETH LIM VILAL, nominee ng Samahang Pangkababaihan ng Brgy. del Remedio EDUCATION SECTOR: 1. SHIRLEY AWAYAN, nominee ng St. Peter's College Seminary 2. RAUL CASTANEDA, nominee ng AMA Computer College 3. ISAGANI GUTIERREZ, nominee ng Frontline Christian Academy, Kintner Christian Academy, ...

Estudyante ng Enverga nanguna sa Regional Statistics Quiz

Si Angelica P. Masalunga kasama si RD Rosalinda P. Bautista ng NSO (kaliwa) ang kanyang coach na si Ms. Myrna V. Catapangan at PSO Airene A. Pucyutan ng NSO Quezon.   Sa unang pagsali ng Manuel S. Enverga University Foundation – Candelaria campus, nanguna agad ang kanilang pambato na si Angelica P. Masalunga sa isinagawang rehiyonal na paligsahan sa kaalaman sa Estadistika nitong nakaraang Nobyembre 23.    Tinalo ni Angelica na nasa unang baitang sa kolehiyo sa kursong Accountancy ang 24 pang kalahok sa nasabing tagisan ng talino na ginanap sa CAP Development Center sa Lipa City.               Bago ganapin ang Philippine Statistics Quiz ( PSQ) Regional Elimination , nagkaroon muna ng kanya-kanyang provincial elimination ang limang (5) probinsya ng rehiyon.   Ang limang nanguna sa eliminasyon sa probinsya ang naglaban-laban sa rehiyonal na eliminasyon.    Umabot sa 20 kolehiyo dito sa CALAB...

SM Cinema sa San Pablo, Bukas na

Ang SM Cinema, na binubuo ng apat (4) na sinehan ay pormal nang binuksan at pinasinayaan noong Biyernes ng tanghali sa pagmamagitan ng pagputol sa laso ni City Administrator Loreto S. Amante na hinahawakan nina City Councilor Angelo “Gel” L. Adriano, SM City San Pablo Cinema Manager Christian Magpantay, at SM Cinema Senior Officer Glenn Ang, matapos na ang kabuuan ng istraktura ay mabasbasan ni Padre Federico Asesor ng Missionary of Faith. Gumagamit ng makabagong movie projector at upuan, ang Cinema 1, 2, at 3 ay pawang may upuan para sa 300 manonood, samantala ang Cinema 4, na may built-in stage, ay may   393 upuan. ( Ruben E. Taningco )

WALANG BAYAD NA PAGSUSURI SA BUTO, ITINAGUYOD NG ANLENE MILK AT KIWANIS CLUB

     Ang Fonterra Brands Philippines, Inc. ang tagagawa ng Anlene Calcium Milk, sa pakikipag-ugnayan ng Kiwanis Club of Buklod San Pablo ay nagkaloob ng walang bayad na bone density screening sa 126 San Pableño na ang gulang ay mula sa 18 taon pataas   noong nakaraang Sabado, Nobyembre 27, 2010 na ginanap sa MSC Institute of Technology main campus sa kahabaan ng Mayor Artemio B. Fule Street, Ang kalakarang halaga ng bone density screening   ay umaabot sa P4,000 bawa’t pagsusuri sa tulong ng Achilles InSight Machine sa mga pribadong klinika sa Metro Manila, o ang kanilang naipaglingkod ay aabot sa halagang P504,000 kung binayaran ng bawat nagpasuri. Ito ay sang-ayon kay President Nica Prudente ng Buklod San Pablo.      Layunin ng bone density test   para maagang mabatid   kung ang kasalukuyang kalalagayan ng boto ay maayos o kung ito ay nanganganib na kapitan ng osteoporosis, isang karamdamang wala pang natutuklang lunas, su...

585 BUNTIS, DUMALO SA KONGRESO

SAN PABLO CITY – Umabot sa kabuuang 585 nagdadalang-taong ina mula sa 217 barangay na bumubuo ng 3 rd Congressional District of Laguna ang dumalo sa kauna-unahang Kongreso ng mga Buntis na ipinatawag ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago noong Linggo, Nobyembre 28, 2010 sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, sa kabila na noon ay masungit ang panahon, at patuloy ang malalakas na pagpatak ng ulan.      Bilang laki rin naman sa isang baryo, na sa kanyang kabataan   pa man ay nagsimula na kaagad naglingkod sa pamayanan bilang Sangguniang Kabataan Chairman, ay ganap na nadarama at nauunawaan ni Congresswoman Ivy Arago na ang pangunahing dahilan ng pagkamatay o pagkakaroon ng kapansanan ng isang   ina ay salig o bunga ng kawalan ng pagkakataon na makapagpasuri sa manggagamot sa panahon ng kanilang pagdadalang-taon; kawalan ng sapat na unawa at kamalayan sa mga bagay na dapat niyang isagawa sa panahon ng paglilihi; ...

PAGPAPAKASAL SA VALENTINE DAY, TUTULUNGAN NI CONGW. IVY ARAGO

     Kayo bang magkasintahan ay kapuwa Catolico na nangangarap na makasal sa Katedral sa darating na araw ng mga puso o Valentine Day? Subalit kayo ay nangangamba na ito ay manatiling pangarap lamang, dahil sa kalakarang malaki ang nagugugol sa isang pormal na kasalang ginaganap sa loob ng simbahan.       Magkakaroon ng katuparan ang inyong pangarap kung tatanggapin ninyo ang paanyaya ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago, makilahok sa maramihan at sama-samang pagpapakasal na kanyang itataguyod at tatangkilikin sa darating na Lunes, Pebrero 14, 2011, sa San Pablo City Cathedral.       Ang dapat lamang gawain ng mga magkasintahang balak na magpakasal sa darating na taon, ay makipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago na nasa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco na may telepono bilang (049) 801-3109, upang kayo ay mapayuhan sa mga bagay na dapat niny...

BUNTIS CONGRESS OF CONGW IVY ARAGO

      An aggregate total of 585 pregnant mothers, representing the 217 barangay comprising the 3 rd Congressional District of Laguna attended the 1 st Buntis Congress sponsored by Congresswoman Ma. Evita R. Arago last Sunday at the Siesta Residencia de Arago at Green Valley Subdivision in Barangay San Francisco, San Pablo City.        Raised in a rural atmosphere, whose first public office held was as Chairman of the Sangguniang Kabataan of Barangay San Francisco while still a high school students, then after completing a colleges was elected first councilor or senior member of the Sangguniang Panglunsod of San Pablo, Congresswoman Ma. Evita R. Arago fully understand that the basic reason behind   the medical causes of maternal death and disability are a range of social, economic and cultural factors that contribute to women’s health and nutritional problems before, during and after pregnancy, and are integrally linked to wome...

REUNION NG HUNTERS ’55 INTERNATIONAL

     Ang lahat ng mga kasapi ng Laguna College High School (HUNTERS) Class 1955 Association, Inc. ay inaanyayahang dumalo sa taunang pagtitipon sa darating na Sabado, Enero 8, 2011 sa Tahanan sa Bukid ni Pangulong Erlinda R. Reyes sa kahabaan ng national road sa Barangay Santo Angel, simula sa    ika-9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.      Ayon kay Pangulong Linda, ang pagtitipon-tipon ay “simpleng kainan,“ na bagama’t may mga nananagot sa pagsasalu-salunang pagkain, ang mga kanyang naging kamag-aaral sa high school na may-aari ay nais na magdala ng sarili niyang paboritong lutuin, panghimagas, at dessert, ay malayang makakapagdala nito na inaasahang makakapagbigay ng saya sa mga dadalo.      Gayon pa man, binibigyan ng diin ni Pangulong Linda na ang higit na mahalaga ay ang pagdalo ng kasapi, at huwag mag-aalaalang darating silang walang dala.      Nanungkulang Pangulo ng s...

PORTABLE FISH HATCHERY, NAPAUNLAD

     Salig sa kaisipang magtatagumpay at magiging kapakipakinabang ang pagpapalaki ng isda kung maayos at malulusog ang semilya ng lahi ng isdang aalagaan para palakihin, ay nasubukan nina Myrna A. Santelices at Elmer V. Santelices   ng Catanduanes State Colleges sa Virac ang isang desinyo ng Portable Fish Hatchery, kung saan napatalang mataas ang hatching rate ng Tilapia na umabot sa 89%, at sa mga aquarium fishes, tulad ng swordtail at black molly.      Sa ulat na inilahad nina Santelices sa ginanap na 10 th Zonal Research and Development Review na ginanap sa Ateneo de Manila University kamakailan, na na-monitor ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development   (PCAMRD).      Ang portable fish hatchery ay isang makinarya na may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang nagpapakilos sa tubig upang ito ay umagos sa tulong ng isang bumba na pinakikilos ng isang 2,000-watt motor, hatching/nurse...

MAG-INGAT SA HOLIDAY SEASON

     Nagpapaalaala si Chapter Administrator Dorie P. Cabela ng Philippine Red Cross - San Pablo City Chapter  na maging maingat sa pagpili ng mga gagamitin sa paggagayak o pagdidikorasyon ng tahanan kaugnay ng nalalapit na holiday season ngayong magtatampos na ang taon.      Halimbawa, kung bibili ng mga laruan, ay dapat isipin ang kapanatagan ng batang pagkakalooban nito, halimbawa, ay iwasan ang mga laruang kaakit-akit  na isubo ng bata, na maaaring mabulunan ito, o may matatalim o matutulis na bahagi ito na maaaring makasugat sa batang hahawak nito.      Sa paglalagay ng linya ng kuryente sa mga may ilaw na parol, ay dapat na isangguni sa isang kuwalipikadong electrician dahilan sa ang paglalagay ng maling sukat ng kawad ng kuryente ay maging dahilan upang ito ay pagsimulan ng sunog, o makakuryente sa makakahawak nito.      Kung bibili ng Christmas light ay hanapin ang may PS-Mark o may pagpa...

MAGTANIM NG KAWAYAN, PARA SA KATATAGAN NG KAPALIGIRAN

Isang dating mataas na pinuno ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang nagmumungkahi ng malawakang pagtatanim ng kawayan, hindi lamang sa halaga nito sa pagtataas sa antas ng kalalagayang pangkabuhayan ng mga mamamayan, kundi upang makatulong sa pangangalaga ng katatagan ng kapaligiran.      Halimbawa, dito sa Lunsod ng San Pablo, ang kawayan ay inaangkat pa sa Quezon ng   mga nagsasaayos ng   fishpen and fishcages sa mga lawa, at maging ang mga labong na itinitinda sa palengke ay ani rin sa ibang bayan.      Higit sa kontribusyon ng kawayan sa kagalingang pangkabuhayan,   ayon sa dating LLDA official, ang kawayan ay malaki ang naitutulong upang mapangalagaan ang kapaligiran.   Ang mga ugat nito ay nakatutulong upang mapigil ang mga pagguho ng lupa o soil erosion,at nakatutulong   upang maging mabanayad ang pag-agos ng tubig-baha, kaya napangangalagaan nito ang carbon reserve sa lupa.   Ang puno pa ng k...

DOG LOVER, MAY PANANAGUTAN SA LIPUNAN

     SAN PABLO CITY - Pananagutan ng isang may alagang aso na ang kanyang alaga ay pakainin ng tamang pagkain at regular na pinaliliguan.   Hindi rin dapat hayaan ang hayop na malayang makapaglibot sa labas na kanilang bakuran, at kung kinakailangang ilabas, ay dapat na ito ay nakatanikala, at sa sandaling ito ay makakagat, ay dapat na ipagbigay-alaman kaagad sa city o municipal health office sa loob ng 24 oras, lakip ang pagpapaabot ng impormasyon sa kahandaang sagutin ang mga magiging gugol sa pagpapagamot ng biktima laban sa rabis, sapagkat   ang aso ay dapat na maayos na pinangangalagaan upang ang rabis ay maiwasan. Ito ang paalaalang ipinaaabot ni Dra. Fara Jayne C. Orsolino, city veterinarian ng lunsod, na ang saligan ng kanyang pahayag ay ang mga nakatadhana sa Anti-Rabies Act of 2007 o Republic Act 9482   , na pananagutan ng mga nagsisipag-alaga ng aso o pet owner na ito ay kanilang pabakunahan, at kung ang alaga nilang aso ay makakagat, a...

NATIONAL CIVIL ENGINEERING WEEK IPINAGDIWANG

San Pablo City –   Ginunita ng   Philippine Institute of Civil Engineers Inc. (PICE) sa buong kapuluan,   kabilang na ang PICE-San Pablo City Chapter ang National Civil Engineering Week noong Nobyembre 22-28 base na rin sa deklarasyon ni Pangulong Benigno C. Aquino III.      Nagpaabot ng pagbati si City Administrator Loreto S. Amante sa PICE-SPC Chapter at kinilala ang malaking kontribusyon ng mga inhenyero sa buong komunidad. Hinimok pa nito ang mga ito na pag-ibayuhin pa ang pakikiisa maging sa proyekto ng lokal na pamahalaan para sa isang mas maunlad na Lunsod ng San Pablo.      Ang PICE ay isang lehitimong organisasyon ng mga Civil Engineer na tuwirang nakatutulong upang maipatupad ang mga makabuluhang proyekto para sa kaunlaran ng pamayanan. Ang pagdiriwang ng National Civil Engineering Week ay isinasagawa bilang pagkilala   sa mga mahahalagang kontribusyon ng mga ito sa pagbuo ng isang komunidad.   ...

PAGPAPATALA PARA SA HOUSEHOLD ASSESSMENT PINASIMULAN

     San Pablo City – Nananawagan ang Office of Social Welfare and Development   sa pangunguna ni Social Welfare and Development Officer Grace D.   Adap na magpatala sa National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR)   ang mga sambahayang nabibilang sa mahihirap na pamilya sa Lunsod na hindi pa napupuntahan ng mga nakatalagang DSWD Enumerator sa kanilang mga lugar.      Ang NHTS-PR ay isang proyekto ng pamahalaan upang matukoy kung sinu-sino at kung saan matatagpuan ang mga lehitimong mahihirap na nangangailangan ng tulong. Isa itong   paraan at batayan upang maging malinaw at patas ang implementasyon ng mga programa patungkol sa mga nangangailangan upang matugunan ang mga ito ng naaayon sa kanilang pangangailangan.       Idinagdag pa ni Gng. Adap na ang lahat ng mga nagnanais na magpatala ay kailangang magdala ng isang identification card tulad ng voter’s I.D., Philhealth ...

16TH COCOFEST NG SAN PABLO GAGANAPIN ENERO 8-15, 2011

     San Pablo City- Ayon kina Mayor Vicente B. Amante, Coconut Festival and Fair   2011 Honorary Chairman   at City Administrator Loreto S. Amante, Coconut Festival and Fair   2011 Over-all Chairman, ay higit na   magiging makulay, makakalikasan, masagana at masaya ang gaganaping 16 th Coconut Festival and Fair   sa Enero   8 hanggang 15, 2011.      Sang-ayon kay City Administrator Amben Amante, ang iba’t-ibang programa para sa walong araw na selebrasyon ay ang mga sumusunod: Enero 8-Search for Pinaka-Bibong Batang San Pableno (7 pm) at United Pastoral Council Night (10 pm) sa City Plaza;   Enero 9-SM City San Pablo Mall Day (12 pm), Deped/SK Night-Laguna Fashion Designer’s Association Fashion Show-Bands/Artists-Fireworks Display (7 pm), City Plaza; Enero 10-ABS-CBN Umagang Kay Ganda (4 am) at Cocotrade Fair (8 am), City Plaza, Fashion Show (3 pm), SM City Activity Center, Battle of the Band (7 pm), City P...

BAGONG HALAL NA BARANGAY OFFICIAL SA LUNSOD NG SAN PABLO BINIGYAN NG ORYENTASYON NG DILG

     SAN PABLO CITY - Dumalo ang may 60 mga bagong halal na punong barangay sa lunsod na ito sa isinagawang orientation/advocacy seminar ng DILG-San Pablo City sa pamamatnugot ni City Local Government Operations Officer Marciana S. Brosas, na isinagawa noong nakaraang araw ng Biyernes, Nobyembre 19, 2010 sa   ABC Training Center.      Lumahok din sa panayam/talakayan ang mga pinuno ng DILG sa San Pablo City Cluster tulad nina    MLGOO Abigail Andres ng Calauan, MLGOO Rebecca Tolentino ng Liliw, MLGOO Leandro Dancil ng Alaminos at   MLGOO Florancia Bugia ng Victoria. Naging tanging panauhin si ang bagong talagang tagapamuno   para sa Lalawigan ng Laguna na si Provincial Director Lionel L. Dalope.      Ipinaunawa sa mga bagong manunungkulang punong barangay ang isinusulong na “Biyaheng Pinoy” ng Department of the Interior and Local Government   upang mahikayat ang mga punong tagapagpaganap ng...

DILG inanunsyo na ang mga petsa ng eleksyon ng bagong Liga ng mga Barangay officers

     Manila (24 November) -- Ipinahayag na ng Department of the Interior and Local Government ang mga petsa ng halalan ng mga magiging bagong opisyales ng Liga ng mga Barangay sa antas na nasyonal, rehiyonal, probinsyal, at panglunsod/pangmunisipal.       Sinabi ni DILG Secretary Jesse Robredo na sa Disyembre   7 isasagawa ang halalan sa mga city and municipal chapters ng liga, at sa Disyembre 17 naman ang sa mga provincial chapters.      Samantala sa Enero 13 idaraos ang eleksyon ng mga regional officers,   at sa Enero 14 pipiliin ang mga national officers.       Ayon kay Robredo ang pagkakaroon ng national, regional, provincial, city and municipal chapter ng Liga ng mga Barangay ay nakasaad sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.       Dagdag pa ng kalihim na awtomatikong miyembro ng Liga ng mga Barangay ang lahat ng punong ...

Dagdag na sahod sa Calabarzon, maibibigay bago mag-Pasko

     Calamba City (24 November) -- Kinumpirma ng Department of Labor and employment (DOLE) IV-A na malaki ang pagkakataon na magkaroon ng dagdag sahod ang mga ordinaryong manggagawa bago mag-Pasko.      Sinabi ni Atty. Ricardo Martinez Jr., Director ng DOLE IV-A,na pinaplantsa na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang usapin ukol sa umento sa pasweldo.      Hinihirit ng mga ordinaryong manggagawa ang P75 across the board wage hike subalit inamin ng DOLE na hindi nila maibibigay ito ng buo at magdedepende sa maraming factors tulad ng ekonomiya ng rehiyon at ang kakayahan ng pribadong kumpanya na magdagdag sahod.      Idinagdag pa ni Martinez na magsasagawa na ang kanilang tanggapan ng deliberation upang makabuo ng isang wage order ukol dito. ( PIA CALABARZON )

SPC SCIENCE HIGH SCHOOL EMERGED CHAMPION IN THE 5TH ESSAY WRITING CONTEST WINNERS

  The winners were joined by the members of the Board of Directors  after receiving both their awards and rewards, (from left) Director Antonio L. Lim, Chairman Odilon I. Bautista, 3 rd Placer Mae Khrystelle M. Belen, Director Remy A. Exconde MD, 2 nd Placer David Lee V. Monteclaro, 1 st Placer Lucas M. Ferrer, Vice Chairman Aristeo C. Alvero  MD, and Director Leila A. Aquino.           Lucas M. Ferrer, a fourth student at the San Pablo City Science High School emerged as first placer in the 5 th On-The-Spot English Essary Writing Contest sponsored by the Rural Bank of Seven Lakes (SPC), Inc. to help commemorate their 36 th Founding Anniversary. He is the son of Alfredo Ferrer and Gerlinde Ferrer of Barangay San Jose, and his coach is Mrs. Rosette Eseo. The secondary school that he represented was declared Champion School for School Year 2010-2011.       Coached by Mr. Rowena Arcillas,   the secon...

BIOGAS, TULONG SA KALINISAN NG KAPALIGIRAN

Ang biogas digester ay isang kaayusan at sistema para ang mga nabubulok na basura, dumi ng hayop, at mga katulad nito, ay mapagkunan ng gas na kilala sa katawagang methane na nagagamit na pangatong sa mga lutuan, at bunga ng pagiging malikhain ng mga Pilipino, ay nagagamit na gatong sa mga heat engine tulad ng electric generating set. Ito ang nabanggit ni Engr. Fernando E. Ablaza, Provincial Director na nangangasiwasa sa Provincial Science and Technology Center (PSTC) ng Department of Science and Technology sa Rizal  na naka-base sa University of Rizal Campus sa Morong, Rizal.      Ayon pa kay Ablaza, sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, siya ay nakapagtayo na ng 254 yunit ng biogas digester, kasama na ang 24 units na ipinatayo sa mga Bayan ng Ibaan at Rosario sa Batangas, at siya ay patuloy na humihikayat sa mga mamamayang may kakayanang makapagpatayo nito, lalo na ang mga poultry and piggery operator, upang mabawasan ang nalilikhang methane gas   sa pagka...

MGA TAGUBILIN SA NAGBABALAK MAGPAKASAL

Designated Health Educator and Promotion Officer, si Public Health Nurse Caridad Gonzales ng City Health Office bilang   tagapamayam sa lingguhang Pre-Marriage Counseling   na ipinagkakaloob sa mga humihiling ng lisensya sa pagpapakasal sa Lunsod ng San Pablo, bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Presidential Decree No. 965, ay lagi niyang binibigyang-diin   ang halaga ng pagpapatlang sa panahon ng mga   panganganak upang mapangalagaan ang kalusugan ng ina, at kagalingan ng sanggol na isisilang, na pangunahing sandigan ng katatagan ng isang sambahayan.   ( Ruben E. Taningco )

KALIGTASAN NG MAMAMAYAN ANG PRAYORIDAD

     LOS BAÑOS,   Laguna – Nang si Mayor Anthony F. Genuino ay maging tagapagsalita sa nakaraang pagdiriwang ng ika-47 Anibersaryo ng paglilingkod ng Department of Science and Technology sa Katimugang Tagalog na ginanap sa bayang ito, kanyang nabanggit nab ago ang lahat, ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagpapalaka sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na siya ang tagapangulo.      Sa bisa ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Batas Republika Bilang 10121 ang pangasiwaang municipal ay nakabili na ng mga kinakailangang pangunahing kagamitan para sa pagsasagawa ng mga rescue operations, maging ito ay sa lawa, sa mga kaburulan, at sa mga lugar na binabaha.        Ang mga bumubuo ng MDRRMC, na ang marami ay mga kusangloob na kumakatawan sa mga samahang sibiko, organisasyon sa paglilingkod, at mga non-government organization ay nakapagsanay na rin sa tam...