Sa layuning higit pang mapaunlad ang kamalayan sa paghahanda ng mga pataniman ng mga gulay at halaman-gamot na ang ginagamit ay mga panustos na organiko, si Joel Frago (ika-2 mula sa kanan) ng Forest Wood Garden sa Barangay Santa Elena, Lunsod ng San Pablo, ay lumahok sa 7th National Organic Agriculture Conference na ginanap sa Queen Margarette Hotel sa Lucena City noong nakaraang Nobyembre 16 – 17, 2010. Kuha ang larawan bago buksan ang dalawang araw na panayam/pagsasanay at kasama niya sina Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo-Puyat, Quezon Governor David C. Suarez, at Agriculture Secretary Proceso Jaraza Alcala. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment