Sa kasalukuyan, ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay kumikilos upang masugpo ang paglaganap ng mga hindi lisensyadong baril, at ng mga laruang baril na ang kayarian ay katulad o kawangis ng mga tunay na baril sang-ayon sa ulat na inilathala ng Manila Standard Today noong Miyerkoles ng umaga. Muli ang Senado ay nagpatibay ng isang panukalang batas na maglalapat ng higit na mabigat na parusa sa mga mararapatang nag-iingat ng walang lisensyang baril, at mga magsisipagbenta ng baril, bala, at paputok. Ang Malaking Kapulungan naman ay muling nagpaalaala sa Department of Trade and Industry, Department of the Interior and Local Government, at Department of Finance upang masugpo ang pagpasok ng mga replica ng baril, lalo na yaong nakakatulad ng assault weapon. Ito umano ay upang masugpo ang mga krimeng ang nagsasagawa ay pawang nagsisipagtaglay ng baril, na maaaring dahil sa takot, ay hindi napapansin ng mga biktima na ang ginamit na pantakot ay laruan lamang. N...