Skip to main content

Posts

Showing posts from September 13, 2009

Global Adult Tobacco Suvey (GATS) isinasagawa ng NSO

Ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, ang Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) ay nagsasagawa ng sarbey tungkol sa paggamit ng tabako. Ito ay tinatawag na Global Adult Tobacco Survey o GATS. Ang sarbey na nabanggit ay isinasagawa ng ahensya sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at iba pang internasyonal na organisasyon tulad ng World Health Organization (WHO), Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health (JHSPH), Research Triangle Institute (RTI), Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at CDC Foundation. Nilalayon ng sarbey na mangalap ng impormasyon tungkol sa kung ilan ang porsyento ng populasyon ang naninigarilyo, gaano kalimit ang paninigarilyo, at ang paggamit ng tabako na may usok (smoking) at walang usok (smokeless). Ilan din sa mahahalagang bagay na sakop ng sarbey ay ang exposure ng populasyon sa tinatawag na “ second-hand smoking ” o exposure (o paglanghap) ng tao sa usok ng sigarilyo mula sa isang...

Proposed San Pablo City General Hospital

Harapang bahagi ng Proposed San Pablo City General Hospital Building na nakatutugon sa pamantayan ng Department of Health para sa disenyo at aktwal na kayarian ng isang ospital. Ito ay inaasahang mapasisinayaan at mabubuksan sa darating na Oktubre 27, 2009 para makapaghandog ng makabuluhang paglilingkod na pangkalusugan sa lahat ng uri ng mamamayan.

PAGKAKATATAG NG PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION, IPINAGDIRIWANG NG SAN PABLO CITY MEDICAL SOCIETY

Tumutukoy sa paksang “Manggagamot Mamamayan Pamahalaan, Nagkakaisa Sa Kalusugan,” ang San Pablo City Medical Society ay nagtaguyod ng mga gawain upang maipagdiwang ang ika-106 taon ng pagkakatatag ng Philippine Medical Association (PMA). Ang pambansang lipunan ng mga manggagamot sa bansa, na may mga balangay na rin sa iba’t ibang bansa at teritoryo. Noong Lunes, Setyembre 14, sa paanyaya ni Mayor Vicente B. Amante ay ang San Pablo City Medical Society ang nagtataguyod ng tradisyonal na flag ceremony sa City Hall na pinangasiwaan nina Dra. Marisonia Belen-Tan, Vice-President at Dr.Emmanuel Loyola, Past President ng SPC Medical Society at kasalukuyang kagawad ng Board of Governors ng Philippine Medical Association na ang Pambansang Pangulo ay si Dr. Rey Melchor F. Santos, kasama sina; Dra. Cynthia Sanchez; Dra. Natividad Cariaga at Dr. Norman Alidio. Si Dr. Loyola ay pangunahing kasangguni ni Mayor Vic Amante sa pagpapatayo ng San Pablo City General Hospital na nap...