CAMP VICENTE LIM, Laguna - Alang-alang sa “matatag na paninindigan at epektibong pakikipagtulungan sa pulisiya na nakatulong ng malaki sa pagtatagumpay ng pambansang pulisiya sa kanilang palatuntunan upang maiwasan ang krimen sa pamayanan,” si Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno ay pinagkalooban noong nakaraang Biyernes, Pebrero 8, 2008, ng plake ng pagpapahalaga, na ang mismong nag-abot ng gawad ay si Deputy Director General for Administration Jesus Ame Verzosa na siyang naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa pagdiriwang ng Ika-17 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine National Police na ginanap sa kampong ito. Napag-alamang simula ng manungkulan si Mayor Nazareno sa City Hall, ang himpilan ng pulisiya ay tinutustusan sa mga pangunahing pangangailangan nito, tulad ng mga kagamitang pampangasiwaan at pangtanggapan, gasolina para sa mga sasakyang pampatrulya, bala, pagkain, at iba pang mga guguling kinakailangan para sa maayos na operas...