Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Calabarzon

MAHALAGA ANG LABOR FORCE SURVEY NG NSO

             Ipinaaalam ni Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña ng National Statistics Office (NSO)-Laguna na kasalukuyan ay abala ang mga tauhan ng ahensyang ito sa paglikom ng datos na naaukol sa kalagayan ng trabaho ng bansa na tinatawag na Labor Force Survey (LFS).             Ang LFS ay naglalayon na makakuha at makaipon ng impormasyon buhat sa mga miyembro ng sambahayan na nauukol sa demograpiya at panlipunan at pangkabuhayang katangian ng populasyon. Pangunahing layunin ng LFS ay upang mataya ang bilang at daloy ng may trabaho o walang trabaho sa bansa na nasa idad buhat labinglima pataas.             Mahalaga ang datos ng LFS sa pagpaplano o pagbabalangkas ng polisiya at pagbabantay ng galaw ng trabaho tungo sa pagtuklas ng mga oportunidad na makakaambag sa paglikha ng iba pang uri ng hanapbuhay upang mabawasan ang bil...

WALANG TRABAHO, UMABOT SA 9 PORSYENTO

     Siyam na porsyento ng manggagawa dito sa CALABARZON na may edad 15 pataas ay walang trabaho ayon sa resulta ng huling Labor Force Survey (LFS) na isinagawa ng National Statistics Office (NSO) noong nakaraang Oktubre 2010. Kumpara sa sitwasyon sa buong bansa, mas mataas ang porsyento ng walang trabaho dito sa ating rehiyon. Ang walang trabaho sa buong bansa ay umabot lamang sa halos 7 porsyento (7.1%). Dagdag pa dito, umabot sa mahigit 7 milyon o 19.6 porsyento ng may trabaho dito sa ating bansa ang tinatawag na underemployed o mga may trabaho na gusto pang magkaroon ng dagdag na trabaho para madagdagan ang kanilang kita.   Umabot sa halos 50 porsyento (49.3%) ng mga nagnanais pang madagdagan ng oras ang pagtatrabaho ay nasa edad 15 hanggang 24 at marami (43.0%) sa kanila ay nabibilang sa sector na pang-agrikultura.      Ayon kay RD Rosalinda P. Bautista, mula ika-8 ng Abril hanggang katapusan ng buwan, ang NSO ay magsasagawa ng nasabin...