ALAMINOS, Laguna – Noong nakaraang Lunes ay iniulat ni Pangulong Rizalino B. Javier ng Federation of Senior Citizens Association of Alaminos kay Alkalde Eladio M. Magampon MD na ang liderato ng samahan ay hinihikayat ang kabuuan ng transport sector upang ganap na maipatupad ang pagbibigay ng 20% diskuwento sa pasaje ng mga nakatatandang mamamayan dito.
Kanila ring sinisikap na ang mga botica at clinical laboratory sa baying ito ay maipagkaloob din ang mga biyayang dapat tamuhin ng mga card-bearing senior citizen. Ito ay para sa makatotohanang implementasyon ng Batas Republika Bilang 9257.
Pinahahalagahan din ni Javier na sa maayos na pagtutulungan nina Municipal Social Welfare and Development Officer Marissa M. Aguilart at Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) Chairman Zenaida R. Reyes ay maagang napabigay sa bayang ito ang “Katas ng VAT-Tulong Para Kay Lolo at Lola” sa 641 kuwalipikadong nakatatandang mamamayan noong Martes ng umaga na umabot sa kab...