Skip to main content

Posts

Showing posts from December 30, 2007

Coco Fest 2008 Schedule of Activities

January 5 Saturday 1:00p.m.-10:00p.m. Pre-Pageant (Lakan at Mutya 08) Pamana Hall & One Stop January 6 Sunday 7:00p.m. -10:00p.m United Pastorals Council Night Main Stage January 7 Monday 8:00a.m.-7:00p.m. Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza) 7:00p.m.-10:00p.m. Opening Night/ DEP ED / SK night/Ginebra San Miguel (SHAMROCK BAND) (IWA MOTO) Main Stage 7:00p.m.-12:00mn Food and Beer Plaza at Rizal Avenue January 8 Tuesday 8:00a.m.-5:00p.m Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza) 7:00p.m.-12:00mn Battle of the Bands ( ROTARY CLUB CENTRAL) 7:00p.m.-12:00mn Food/Beer Plaza at Rizal Avenue January 9 Wednesday 8:00a.m.-5:00pm Coco Trade Fair (Pamana Hall) 8:00 am Coco Sports Fest 7:00am – 10:00pm TESA/PLDT (CALLA LILY) 7:00pm -12:00mn Food/Beer Plaza at Rizal Avenue January 10 Thursday 8:00am – 5:00pm Coco Trade Fair (Between Sa Manga & City Plaza) 7:00pm – 10:00pm Lakan at Mutya’08 Coronation Night (City Plaza) 7:00pm- 12:00mn Food/Beer Plaza at Rizal Avenue ...

ECO-TOURISM NG ALAMINOS

TANING KO Ni Ruben E. Taningco Nong nakaraang Disyembre 8, sa pangunguna ni Konsehal Rocel A. Macasaet, ang mga bumubuo ng SNEAKY Communication Group sa Alaminos ay dumalaw sa Kaburulan sa Sityo Patagin na sakop ng Barangay Palma, na malapit na sa hangganan ng mga Lalawigan ng Laguna at Batangas para tayahin ang kasalukuyang kalalagayan nito at muling maisapalatuntunan ng pangasiwaang lokal ang mga pamamaraan upang ang nabanggit na kaburulan ay mapaunlad bilang kontribusyon ng Bayan ng Alaminos sa eco-toursm project ng Lalawigan ng Laguna, at ng bansa Magugunitang sa pamamagitan ng isang resolusyong inakda ni Konsehal Rocel A. Macasaet noong Taong 2002, ay ipinahayag ng Sangguniang Bayan ng Alaminos na ang Bundok ng Patagin ay ipinahayag na ecological tourism park, at makatuwirang ito ay mapagtuunan ng pansin sa kadahilanang taglay ng lugar na ito ang mga magagandang alaala ng kahapon na makatutulong upang magabayan ang mga kabataan ng kasalukuyan na maisapatatuntunan ang kanil...

NAKATATANDANG MAMAMAYAN, MODELO PARA SA KABATAAN

SAN PABLO CITY – Ang pagka-martir ni Dr. Jose Protacio Rizal ay natala sa kasaysayan upang maging isang magandang halimbawa sa mga kabataan ng kanyang panahon sa tama at maalab na pagmamahal at pagpapakasakit para sa bayan, sapagaka’t gaya ng isinatinig ni Isagani sa nobelang El Filibusterismo, namatay si Rizal na masaya sapagka’t nababanaagan na niya ang paglaya ng bansa mula sa mapanakop na mga dayuhan. Ito ang naging buod ng maikling pananalita ni City Administrator Loreto S. Amante sa pang-alaalang palatuntunang ginanap sa Liwasang Lunsod alang-alang sa pagsapit ng ika-111 anibersaryo ng pagka-martir ng pambansang bayani. Sa pananaw ng batang Amante, ang pagdalo ng mga kagawad ng Senior Citizens Association, ng San Pablo City Posts ng Veterans Federation of the Philippines, at maging ng Kapatiran ng mga Mason at ng Knights of Columbus, at kasama na rin ang mga samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod, ay nagpapatunaw lamang na ang mga nakatatandang mamamayan ng lun...

ARAW NG PAGPAPAHALAGA NG TRANSCO

Ang lahat ng publisher ng mga lingguhang pahayagan, at nangangasiwa ng mga himpilan ng radio at cable television sa Laguna ay nakatawanan sa Media Acknowledgement Day (MAD) na ipinatawag at ipinag-anyaya ng National Transmission Corporation (TRANSCO) noong Huwebes ng tanghali sa Bukid Garden Resort sa Barangay Concepcion dito sa Lunsod ng San Pablo upang maipadama ang kanilang pagkilala at pagpapahalaga sa papel na ginagampanan ng local mass media upang ang mga layunin at palatuntunan na isinulong ng TRANSCO sa Taong 2007 ay maiparating at maunawaan ng mga karaniwang mamamayan. Ang isa sa kinikilala ng TRANSCO Management na magandang bunga ng pakikipagtulungan ng local mass media ay ang katotohanang sa taong ito, ay iisa ang nakuryente o victim of electrocution dahil sa naipaunawa sa mga mamamayan ng mga mamamahayag ang panganib ng pagdaraan sa malapit sa mga linyang may matataas na boltahe Noong ang pamamahala at pangangasiwa sa mga linya ng kuryente na pinagdaraanan ng...

9,429 ULO NG TAHANAN,
PINAGKALOOBAN NG PHILHEALTH CARD

Iniulat ni City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre, sa ilalim ng palatuntunang panglipunan ni Alkalde Vicente B. Amante, ay umabot sa 0,429 ama o ulo ng tahanan ang naipatala sa Philippine Health Insurance Corporation upang masakop ng National Health Insurance Program o Medicare para matiyak na maging ang mahihirap na pamilya sa lunsod ay may pagkakataong makapagtamo ng paglilingkod na pangkalusugan. Ang pagkakaloob ng PhilHealth Card sa mga ipinatalang Indigent Member ay bunga ng maayos na pakikipag-ugnayan ni Social Insurance Officer Luningning G. Lee ng PhilHealth San Pablo City Service Center. Nabatid na ang naipatalang mga ulo ng tahanan ay mula sa 78 barangay ng lunsod, at sa Enero 4, 2008 ay magtatala pa sila ng 571 ama ng tahanan mula sa nalalabi pang dalawang (2) barangay upang ang biyayang paglilingkod na pangkalusugan ay matamasa ng residente ng kabuuan ng Lunsod ng San Pablo, ayon pa rin kay Gng. Grace Adap...