Skip to main content

9,429 ULO NG TAHANAN,
PINAGKALOOBAN NG PHILHEALTH CARD

Iniulat ni City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap na ngayong ikalawang linggo ng Disyembre, sa ilalim ng palatuntunang panglipunan ni Alkalde Vicente B. Amante, ay umabot sa 0,429 ama o ulo ng tahanan ang naipatala sa Philippine Health Insurance Corporation upang masakop ng National Health Insurance Program o Medicare para matiyak na maging ang mahihirap na pamilya sa lunsod ay may pagkakataong makapagtamo ng paglilingkod na pangkalusugan. Ang pagkakaloob ng PhilHealth Card sa mga ipinatalang Indigent Member ay bunga ng maayos na pakikipag-ugnayan ni Social Insurance Officer Luningning G. Lee ng PhilHealth San Pablo City Service Center.

Nabatid na ang naipatalang mga ulo ng tahanan ay mula sa 78 barangay ng lunsod, at sa Enero 4, 2008 ay magtatala pa sila ng 571 ama ng tahanan mula sa nalalabi pang dalawang (2) barangay upang ang biyayang paglilingkod na pangkalusugan ay matamasa ng residente ng kabuuan ng Lunsod ng San Pablo, ayon pa rin kay Gng. Grace Adap.

Ayon kay Gng. Adap, malaking tulong sa mga mahihirap na sambahayan ang naipagkaloob ni Mayor Vic Amante dahil sa sakop ng tulong ang asawa, mga anak na walang pagtatangi kung lehitimo o ilehitimo, inampong anak, at anak na panguman (step son/daughter) na wala pang 21 taong gulang sa panahon ng pagpapagmot o pagpasok sa pagamutan, sa pasubaling ang mga ito ay wala pang asawa at wala pa ring hanapbuhay. Kaya dapat nilang maayos na naiingatan ang kanilang kopya ng Membership Data Record (MDR) at ng PhilHealth Identification Card kung saan nakatala ang Personal Identification Number (PIN) sapagka’t ito lamang ang dapat dalahin kung papasok ng isang accredited hospital.

Ang mga magulang ng miyembro na mahigit na sa 60 taong gulang at hindi non-paying member, at ganap na umaasa lamang sa miyembro sa ikinabubuhay ay sakop din ng PhilHealth Card paliwanag pa rin ni Gng. Adap. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY, HERE ARE SOME IMPORTANT NUMBERS: MERALCO HOTLINES: 5617773, 5617780, 09209474776, 09209474754 FIRE DEPARTMENT: 5627654 BRGY CONTROL 5623086 CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT HOTLINES: 503-2200, 800-2770, 09178273410 CDRRMC HEAD VIC RIVERA: 09189112370 DSWD SAN PABLO: 5621575 PNP-SPC: 5626474 PNRC-RED CROSS: 5624025