Skip to main content

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA


Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.

     Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal  ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pangkabuhayan at umiral ang kapanatagan at katiwasayang pambansa.

     Gayon pa man, pinatunayan ni Felicing San Luis na siya ay isang lider na may pansariling paninindigan, na minamarapat ang maging tama kaysa maging popular, sa halalan noong 1984 ay nagtayo siya ng sariling pangkatin at naglagay ng sariling kandidato, sa halip na suportahan ang mga kandidatong idinidikta ni Marcos, at ng ganapin ang snap election noong 1986 ay ganap at puspusang niyang itinaguyod ang kapakanan ng oposisyon sa bansa.
     Si Felicing San Luis ang isa sa tatlong punonglalawigan na sa layuning maitaas ang antas ng kalalagayang pangkalusugan at panglipunan ng mga mamamayang kanyang pinangungunahan, ay nagtayo kaagad ng Provincial Population Office upang ipatupad ang isang makabuluhan at makatotohanang reproductive health program na salig sa kaisipang ang mag-asawa ang may karapatan at pananagutang pumili ng tamang paraan upang matamo ang nilalayon nilang bilang ng anak, at ang mga mag-asawang matagal ng nagsasama subalit wala pang anak ay magabayang magkaroon ng anak, sapagka’t kinikilala niyang ang isang anak ang naging sandigan ng katatagan ng isang sambahayan.

     Pagbubukas ng mga farm-to-market road na tinatawag noong “feeder road,” pagtatayo ng mga paaralan sa mga liblib na kanayunan, paghahatid ng mga paglilingkod na pangkalusugan at panglipunan sa mga tunay na nangangailangan ang pinagtuunan ni Felicing San Luis ng pansin sa mga unang taon ng kanyang panunungkulan, sapagka’t nauunawaan niyang sa sandaling ang mga mamamayan ay nakakadama ng kapanatagan at katiwasayan sa loob ng mga tahahanan nasa kanayunan, ito ang aakit upang ang mga mamumumuhunan ay magtayo ng negosyon sa Lalawigan ng Laguna.

     Hindi rin nakaligtaan ni Felicing San Luis na magpatupad ng mga palatuntunang magpapaunlad sa sining at kultura ng lalawigan, kaya pinagsakitan niyang maitayo ang isang Sports and Recreational Center sa Barangay Bubukal sa Santa Cruz, kaya bunga ng kanyang pagsasakit na maisulang ang isang Pangkalahatang Kaunlaran ng Laguna, siya ay kinilalang “Ang Alamat ng Laguna.”

     Magugunitang pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Marso 25, 1995 ang Batas Republika Bilang 7950 na nagpapahayag na ang Disyembre 18 ng bawa’t taon ay isang tanging araw sa Lalawigan ng Laguna at Lunsod ng San Pablo na kikilalaning “Araw ng Laguna” upang mapagyaman ang kanyang alaala, at magunita ang araw ng kamatayan ni Gobernador Felicisimo T. San Luis.Gayon pa man, ilang kawani sa Kapitolyo sa Santa Cruz ang nagpahayag na simula noong Disyembre ng 1995, hanggang nitong nakaraang taon, ay wala silang natatandaang pagkakataon na ipinagdiwang o nagkaroon  ng palatuntunan na maiuugnay sa Araw ng Laguna o para sa alaala ng Alamat ng Laguna. (Ruben E. Taningco)

Comments

  1. isang tunay na alamat! nagbigay buhay at kulay sa lahat ng mamamayan ng laguna!!!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...