Skip to main content

BULUNGAN SA ATIMONAN

ATIMONAN, Quezon – Noong nakaraang madaling-araw ng Linggo, ang tagapag-ulat na ito ay nagkaroon ng pagkakataong makapagmasid sa pamilihan ng isda sa may Atimonan Port dito kung saan ang mga maliliit na mangingisda o marginal fishermen na namamalakaya sa Lamon Bay ay nagdadala o “nagtataas” ng kanilang huling isda para ipagbili, at ang kapansinpansin, taliwas sa karaniwang tindahan ng isda, sa nabanggit na punduhan ng isda ay matahimik, sapagka’t ang tawag pala sa lugar na iyon ay “bulungan.”

     Ang kapansinpansin, ang mangingisda ay inilalagay ang kanyang huli sa isang  bukas na lalagyan, upang ito ay maayos na makita ng mga nagbabalak bumili upang sa pamamagitan lamang ng pagtingin ay matantya ang bigat ng mga isda para kaniyang makuwenta kung magkano ang halagang dapat pabulong na ialok.

     Halimbawa, ang iniaalok na mga isda ay limang (5) piraso ng lapu-lapu, at anim (6) piraso ng tambakol, kung sa tantya ng bibili ay titimbang ng apat (4) na kilo ang lapu-lapu, at siyam (9) kilo ang tambakol, kaya maaari itong magkaroon ng kabuuang halaga na P2,470 batay sa umiiral na halaga ng bawat isda roon, at maaaring siya ay pabulong na aluking bilihin ang mga isda sa halagang P1,900. Kung may ibang maghahalaga ng mataas sa roon, halimbawa ay P1,990, ang huli ang makakabili sa isda.

     Napag-alamang may mga konsignitaryo o mga mamumuhunan na may tauhang taga-bulong para siya ay ipamili ng isda na matapos na mapagsama-sama ay pagbubukodbukurin para ipamahagi sa mga suki nilang magtitinda sa mga malalayo at malalapit na palengke.
     Nabatid pa rin na may mga taga-bulong na halos ay eksakto ang tantya nilang timbang ng bawa’t isda, matapos na ito ay timbangin sa rehistradong timbangan. (Ruben E. Taningco)

Comments

  1. nice content,

    can you follow me back on my Blog ??

    Please brother,,
    http://vicky-cyber.blogspot.com

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...