Skip to main content

GAANO KATAGAL ANG KAAGAD?


     SAN PABLO CITY -  Noong nakaraang taon, isang mediaman ang nagpadala ng mga liham sa Sangguniang Panglunsod ng San Pablo, na humihiling ng pagpapatibay ng mga kautusan na may kaugnayan sa pangangalaga at pangangasiwa sa mga dambana at pananda na may kaugnayan sa kasaysayan, gaya ng mga sumusunod: (1) Pagpapahayag na ang harapan ng bantayog ni Gat Andress Bonifacio sa malapit sa Hagdang Bato ay “No Parking Zone” upang mapanatiling kagalang-galang at malinis ang kapaligiran nito sa lahat ng pagkakataon; (2) Pagpapahayag na ang harapan ng Old City Hall Building ay “No Parking Zone” upang mapangalagaan ang kaayusan nito bilang isang istrakturang pangkasaysayan  na natayo mahigit ng pitumpong taon ang nakalilipas, at hilinging mabalik  ang (nawawalang)  “panandang pangkasaysayan” o tablet na inilagay ng National Historical Commission ng pasinayaan ang Lunsod ng San Pablo noong Enero 2, 1941.

     Malinaw na nakatadhana sa “Guidelines on Monuments Honoring National Heroes, Illustrious Filipinos and Other Personages” na binalangkas ng National Historical Commission of the Philippines na pananagutan ng Sangguniang Panglunsod/Bayan na magpatibay ng kautusang magtatakda ng marapat na pangangalaga at pangangasiwa sa kapaligiran ng mga dambana at panandang pangkasaysayan.

     Nabanggit nina Konsehal Angelo L. Adriano, Edgardo D. Adajar, at Arnel C. Ticzon na kaagad nilang pagtitibayin ang mga mungkahing ito, pero hanggang ngayon ay wala pang napagtitibay na ordinansa para rito, bagama’t nagkaroon na di-umano ng pagsasagawa ng mga pampublikong pagdinig ukol dito, kaya ang tanong  ng ilang may malasakit sa kultura at kasaysayan ng Lunsod ng San Pablo ay “Gaano Katagal Ang Kaagad?
    Sang-ayon kay Engr. Edgardo A. Malijan, ang pagsasaayos ng bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Liwasang Lunsod ay sa inisyatibo ni Mayor Vicente B. Amante na may pakikipag-ugnayan sa National Historical Commission of the Philippines, bilang paghahanda sa paggunita sa ika-150 kaarawan ng pambansang bayani sa darating na Hunyo 20, 2011.  (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...