Naninindigan si Chairman-Elect Gener B. Amante ng Barangay San Jose na dahil sa kasalukuyang kalalagayan ng kanyang pamayanan, ay may pangangailangan na magkaroon ng isang maingat na pagpaplano upang mapangalagaan ang maganda pang kaayusan ng kapaligiran nito, at mapagyaman ang potensyal ng barangay bilang sentro ng mga mahahalagang aktibidades ng pamahalaan. Ayon sa dating Pangulo ng Liga ng mga Barangay, nasa San Jose ang kampus ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo, at naroroon din ang nagsisimula ng makilalang San Pablo City Science High School, bukod pa sa sariling San Jose National High School. Naririto rin ang Office of the City Agriculturist na nagbibigay sigla sa industriya ng paghahalaman sa lunsod. Sa Barangay San Jose ay mayroon dalawang malaking paggawaan. Isang pagawaan ng gamut na panturok, at isang planta ng bottled water, na ang kanilang produkto ay hindi lamang ipinamamahagi sa loob ng bansa, kundi iniluluwas sa iba’t ibang bansa sa Asia, paalaala ni Amant...