Skip to main content

BARANGAY SAN JOSE, MAY POTENSYAL

Naninindigan si Chairman-Elect Gener B. Amante ng Barangay San Jose na dahil sa kasalukuyang kalalagayan ng kanyang pamayanan, ay may pangangailangan na magkaroon ng isang maingat na pagpaplano upang mapangalagaan ang maganda pang kaayusan ng kapaligiran nito, at mapagyaman ang potensyal ng barangay bilang sentro ng mga mahahalagang aktibidades ng pamahalaan.

Ayon sa dating Pangulo ng Liga ng mga Barangay, nasa San Jose ang kampus ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo, at naroroon din ang nagsisimula ng makilalang San Pablo City Science High School, bukod pa sa sariling San Jose National High School. Naririto rin ang Office of the City Agriculturist na nagbibigay sigla sa industriya ng paghahalaman sa lunsod.

Sa Barangay San Jose ay mayroon dalawang malaking paggawaan. Isang pagawaan ng gamut na panturok, at isang planta ng bottled water, na ang kanilang produkto ay hindi lamang ipinamamahagi sa loob ng bansa, kundi iniluluwas sa iba’t ibang bansa sa Asia, paalaala ni Amante. Sa San Jose rin itinatayo ang Proposed San Pablo City General Hospital. At kung mapapansin, ang Barangay San Jose ay nagiging isang bedroom community sapagka’t dito matatagpuan ang maayos na residential subdivision, at subdivision for low-cost housing na sinusuportahan ng National Housing Authority (NHA)

Naniniwala si Amante na sa nalolooban ng susunod na limang (5) taon, ang Barangay San Jose ay magiging isang ganap na “total community” kung saan ang lahat ng mga paglilingkod sa tao ay matatamo o masusumpungan. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

Profile of THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2011

By The Selection and Awards Committee In commemoration of the 71st Charter Anniversary of the City of San Pablo , Outstanding San Pableños have been chosen to represent what the city and its people are all about. The Outstanding San Pableños were chosen from nominees who are natural-born citizens of San Pablo or who have resided in the city for at least 20 years or naturalized citizens who have shown excellence in their professions and have contributed to the development of the country, the city, and their respective communities. 1. HEALTH SERVICES - DR. EMMANUEL DE VERATURDA LOYOLA , MD , FPSGS, FPCS             Dr. Eman Loyola is a native of Silang, Cavite who has migrated to San Pablo when he married Marylene Isip Azucena in 1990. He is a medical doctor by profession who graduated as Doctor of Medicine and Surgery at the University of the Philippines wherein he was recipient of the Dr. Jose Mascunana and Dr. Felipe Zamora...