ATIMONAN, Quezon – Noong nakaraang madaling-araw ng Linggo, ang tagapag-ulat na ito ay nagkaroon ng pagkakataong makapagmasid sa pamilihan ng isda sa may Atimonan Port dito kung saan ang mga maliliit na mangingisda o marginal fishermen na namamalakaya sa Lamon Bay ay nagdadala o “nagtataas” ng kanilang huling isda para ipagbili, at ang kapansinpansin, taliwas sa karaniwang tindahan ng isda, sa nabanggit na punduhan ng isda ay matahimik, sapagka’t ang tawag pala sa lugar na iyon ay “bulungan.” Ang kapansinpansin, ang mangingisda ay inilalagay ang kanyang huli sa isang bukas na lalagyan, upang ito ay maayos na makita ng mga nagbabalak bumili upang sa pamamagitan lamang ng pagtingin ay matantya ang bigat ng mga isda para kaniyang makuwenta kung magkano ang halagang dapat pabulong na ialok. Halimbawa, ang iniaalok na mga isda ay limang (5) piraso ng lapu-lapu, at anim (6) piraso ng tambakol, kung sa tantya ng bibili ay titimbang ng ...