Skip to main content

Posts

Showing posts from May 18, 2008

BAGONG ARMY BRIGADE COMMANDER

Nagkabisa simula noong Lunes ng umaga, Mayo 19, 2008 si Colonel Tristan Miranda Kizon ang natalagang bagong commanding officer ng 202 nd Infantry (Unifier) Brigade na may punong himpilan sa Barangay Antipolo, Rizal, Laguna, na bahagi ng 2 nd Infantry Division ng Philippine Army. Hinalinhan niya si Brig. Gen. Jorge Valbuena Segovia na nalipat sa General Headquarters ng Armed Forces of the Philippines sa Campo Heneral Emilio Famy Aguinaldo para maging Deputy Chief of Staff for Operations J3. ( 7LPC/Ben Taningco )

BAGONG CITY JAIL WARDEN

BAGONG CITY JAIL WARDEN Nasa larawan si Jail Senior Inspector Arvin Tolentino Abastillas, ang bagong talagang CityJail Warden o hepe ng San Pablo City District Jail bilang kapalit ni Chief Inspector Wilmor Timbal Plopinio na nataas ng tungkulin bilang Chief of Planning and Operations ng Bureau of Jail Management and Penology-Region 4-A na naka-base sa Lucena City. Si Captain nAbastillas ay kagawad Class 2001 ng Philippine National Police Academy (PNPA), na sa murang edad ay natalagang chief custodian sa BJMP Bicutan; bago naging jail warden o hepe ng mga piitan sa Candelaria, Quezon; sa Tanza at Naic, Cavite, at bago nalipat sa lunsod na ito ay sa BJMP-Tanauan City kung saan siya ay namuno sa loob ng 32 buwan. (7LPC/Sandy Belarmino)

FAMILIA ESCUDERO, NAGHANDOG NG SCHOOL SITE

Pinahahalagahan ni Club President Romulo M. Awayan ang pangasiwaan ng Villa Escudero Corporation (VESCO) na naging makatotohanan ang layunin ng San Pablo City (Host) Lions Club na mapagkalooban ang Sityo Baloc Annex ng Santo Niño Elementary School ng isang two-room permanent schoolbuilding dahilan sa sila ang nagkaloob ng 1,000 metro kuwadradong lote para mapagtayuan nito. Ang pagkapagkaloob ng lote sa Division of San Pablo City sa paraang donacion intervivos ay bunga ng pagsasakit ni City Councilor Arsenio A. Escudero Jr. na nakababatang kapatid ni Don Conrado A. Escudero, chairman of the board ng korporasyon.. Sa ulat ni Romy Awayan, napag-alaman na ang project chairman/manager na nangangasiwa sa pag-uugnay-ugnay ng construction activities ay si Past President Pol Cortez, samantala ang mga project engineer ay sina Past President Bernardo C. Adriano Jr. and Danilo D. Dichoso Sr. Ang ipinatatayong two-room schoolbuilding ay ipapalit sa lumang gusali na yari sa mahihinang materyales na ...

Atty. Karen Agapay and Ombudsman Gutierrez

Si Senior Board Member Katherine C. Agapay ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna ang tanging mataas na pinunong halal na nagtamo ng katangian upang maging bagong kasapi ng sangay sa Pilipinas ng Federacion Internacional de Abogadas na kasalukuyang pinangunguluhan ni Ombudsman Ma. Merceditas Navarro-Gutierrez, at siya ang inaatasang magtatag ng chapter ng pederasyon dito sa Lalawigan ng Laguna upang ang mga paglilingkod ng FIDA ay matamasa rin ng mga Lagunense. (PNA Photo)

Atty. Karen Agapay and Ombudsman Gutierrez

Tanda ng pagtanggap ni Ombudsman Merceditas N. Gutierres, FIDA President, sa mga bagong kagawad ng Federacion Internacional de Abogadas-Philippine Branch, kina Senior Board Member Katherine C. Agapay ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna, at Atty. Abigail Claire Carbero at Atty. Abigail Cuaresma-Lilagan na mga kawani ng Commission on Elections, na binigyan ng akreditasyon bilang mga boluntaryong abogada ng Office of the Ombudsman, ay nagpakuha sila ng pang-alaalang larawan matapos maisagawa ang kanilang panunumpa ng ginanap sa Orchids Garden Suites sa Malate sa Maynila kamakailan. (PNA Photo)