Skip to main content

Posts

Showing posts from December 28, 2008

San Pablo City’s Call Center Is Now An Institution

Being managed by MSC Institute of Technology, the San Pablo City Cyberlink Call Center which was formally opened at 3rd Floor of El Coco Building along Artemio B. Fule Street in San Pablo City in November 6, 2007, is now an established center servicing the tourism industry in the United States, making the City of Seven Lakes belonging to the prestigious global call center industry, according to President Virgilio Y. Prudente. A call center is a centralized office used for the purpose of receiving and transmitting a large volume of request by telephone on behalf of a large corporation. The opening of a locally owned and home-grown call center have proven that San Pablo City has a pool of world class talents according to Past President Ed de la Cruz of the Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc. –San Pablo City Chapter. San Pablo City Cyberlink Call Center now provide employment opportunities to young people and spur economic development in the cit...

BEER PLAZA NA KAUGNAY NG 14TH COCOFEST

Gaya ng nakaugalian, itatampok sa 14 th Coconut Festival and Street Dancing Competition o Mardi Gras 2009 sa darating na Enero 9 - 15, na iniuugnay sa pagdiriwang ng ika-413 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Parokya ni San Pablo, Ang Unang Ermitanyo, ang gabi-gabing beer plaza sa kahabaan ng Avenida Rizal na maituturing ng isang institusyon na nagtatampok sa mga produkto ng San Miguel Brewery, Inc., lalo na ang San Miguel Pale Pilsen sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, over-all chairman ng Cocofest 2009 Executive Committee. Hindi na maiiwasan ang pagtatampok sa beer plaza, sapagka’t ito ay bahagi na ng kulturang umiiral sa noon ay Munisipyo ng San Pablo bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan pag may ginugunitang kapistahan ay nagtatayo ng maliliit na tindahan na nag-aalok ng inuming cerveza, at pulutang “kinilaw na hipong Palakpakin” Tinatawag noon ang mga maliit ng inuman na “pundahan.” Kung kapistahan ni San Pablo, Unang Ermitan...

PAGAMUTANG PANLALAWIGAN, NAGHAHANDA SA BAGONG TAON

SAN PABLO CITY - Gaya sa mga nakaraang taon, ang Pagamutang Panlalawigan ng Laguna (PPL) sa lunsod na ito sa pamamatnugot ni Dr. Jose F. Guia ay magpapatupad ng isang sistema ng pagkakaloob ng tulong sa mga maaari ay magiging biktima ng pagsabog ng rebentador at iba pang uri ng paputok, at tama ng bala ng baril, ang karaniwang dulot na kasakunaan ng tradisyonal na pagsasaya para salubungin ang pagsapit ng bagong taon Marami rin sa nakalipas na mga pagsalubong sa bagong taon ang nagiging biktima ng aksidente sa sasakyan dahil sa marami ang nagmamaneho ng nakainum ng alak. Ang itinatag na grupo ay isang multi-disciplinary team sa pamumunuan ng isang siruhano at may kasangguning psychologist dahil sa may mga naging karanasan sa mga pagamutan ng pamahalan sa ibang rehiyon na bagama’t ang biktimang inihahatid sa ospital ay sinasabing biktima ng paputok, ay napatutunayan na ang kapansanan ay bunga ng alitan, at dahil sa pagtatangka sa sariling buhay ng biktima, pag-uulat...

PEBRERO, BUWAN NG PHILHEALTH

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1400 na pinagtibay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Oktubre 7, 2007, sa layuning maikintal sa kaisipan ng mga mamamayan ang halaga ng papel na ginagampanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , na isang palatuntunang panglipunan, ang Buwan ng Pebrero ng bawa’t taon, na nagsimula sa Taong 2008, ay ipinahahayag na “National Health Insurance Month”, paalaala ni OIC Dr. Edwin M. Oriña ng PhilHealth-Region IV-A. Ang PhilHealth na isang Government Owned and Controlled Corporation upang magpatupad ng Pambansang Palatuntunan sa Kaseguruhang Pangkalausugan o National Health Insurance Program ay natatag sa bisa ng Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995, at nagsimulang akuin ang pananagutan sa pagpapatupad ng dating Medicare Program para sa sektor ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan simula noong Oktubre ng 1997 ng ilipat ng Government Service Insurance System (GSIS) sa PhilHealth ang...