Skip to main content

Posts

Showing posts from December 14, 2008

Palatuntunang IVY-ELADIO Taniman sa Barangay

ALAMINOS, Laguna – Inilunsad nina Congresswoman Ma. Evita R. Arago at Mayor Eladio M. Magampon na pinasiglang Palatuntunang Taniman sa Barangay sa bayang ito na pinaglaanan ng pondong P1-milyon mula sa pondo ng tanggapan ng kongresista para mapagkunan ng ipagkakaloob na cash prizes sa mga magsisipagwaging kalahok na barangay, organisasyon ng magsasaka, at indibidwal na magtatanim ay napagwagian ng Barangay San Agustin sa pangunguna ni Punong Barangay Rustico D. Danta, na ang natamong gantimpala ay umabot sa kabuuang P400,000. Ang tinanggap na cash prize ay inilaan na ng Sangguniang Barangay ng San Agustin para sa pagpapaunlad ng kalinisan ng kapaligiran ng pamayanan at pagpapatupad ng mga palatuntunang pangkalusugan ng mga mahihirap na taga-nayon. Ayon kay Punong Barangay Rustico D. Danta ng Barangay San Agustin, ang IVY-ELADIO ay acronym para sa “ In View of the Youth , and Enhance Local Agricultural Development with Integrated Opportunities ” na i...

PATULUYANG KAMPANYA KONTRA DROGA

SAN PABLO CITY –Ang huling araw ng 5 th Annuwal Anti-Drug Campaign na isinusulong ng Tanggapan ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan ay tinampukan noong Lunes ng gabi ng isang La-Band Sa Droga, isang Rock Against Drug Concert, isang Battle of the Bank, na nilahukan ng 30 banda na ginanap sa Doña Leonila Park, na sinaksihan ng maraming kabataan mula sa iba’t ibang brangay ng lunsod. Magugunita na simula ng manungkulan si Vice Mayor Martin Ilagan bilang konsehal noong Taong 2004, ay inilunsad niya kaagad ang isang patuluyang palatuntunan ng pagpapalaganap ng kamalayan ukol sa masamang epekto ng paggamit ng mga mapanganib at ipinagbabawal na gamot. Noong unang apat na taon, ang pinagtuunan ng pansin ng training group ng kaniyang tanggapan ay ang mga estudyante sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga in-campus training seminar para sa mga high school student sa pampubliko at pampribadong paaralan sa lunsod. Sa taong ito, ang isinagawa ay ang pagtataguyo...

PAGSASAAYOS NG PAMBANSANG LANSANGAN, SA TULONG NI CONGRESSWOMAN IVY ARAGO

Sa flag ceremonies noong Lunes ng umaga, ay iniulat ni Mayor Vicente B. Amante na ang pagsasaayos ng mga seksyon ng pambansang lansangan sa sakop ng Lunsod ng San Pablo ay tinutustusan mula sa mga pondong nahiling ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago mula sa ilang Senador na umaabot sa kabuuang P80-milyon, na ipinatutupad sa tulong ng DPWH-Laguna Subdistrict Engineering Office na naka-base sa Barangay Del Remedio. Ito ay ang tulad ng paglalagay ng asphalt concrete over-lay o paglalatag ng ready-mixed asphalt tulad ng nasa kahabaan ng Avenida Rizal sa kalunsuran. Ang prosesong ito ay gumagawang mabilis ang pagpapatupad ng paggawain, na nakatutugon pa sa pamantayan ng pamahalaan para maging matatag at matagal na pakikinabangan ang isang paggawain. Natutustusan din ang mga kinakailangang paglilinis sa mga padaluyan ng tubig-baha sa baybayin ng kahabaan ng national road sa sakop ng lunsod, upang maiwasan ang pag-apaw ng baha sa lansangan, na nakakapinsala sa preno...

PAMASKONG PAILAW, PINAGLILIWANAG ANG PLASA

May taas na anim na metro, ang Christmas light na ipinatayo ng San Pablo City Water District sa liwasang lunsod na pormal na pinailawan ni Mayor Vicente B. Amante noong Lunes ng gabi, ay binubuo ng 322 bumbilya o 5-watt incandenscent bulb na nakakabit sa tulong ng mga “all weather sucket” kaya ito ay nananatiling buhay at umiilaw kahit na umuulan, sang-ayon Engr. Roger Borja, general manager ng distrito. Ang paglalagay ng Pamaskong Pailaw sa liwasang bayan na dapat pailawin simula sa dapit-hapon ng Disyembre 15 hanggang sa araw ng Tatlong Hari ng sumunod na buwan ng Enero ay pag-alinsunod sa isang Presidential Proclamation na pinagtibay ni Pangulong Fidel V. Ramos noong 1992, bilang simbolo ng paggunita sa Panahon ng Kapaskuhan sa bansang Pilipinas. Karagdagan sa ipinatayong nagliliwanag na Christmas Tree, ay nilagyan din ng pailaw ang pitong (7) puno ng Indian tree, at nilagyan ng dekorasyon ang apat (4) na Corinthian post na may tig-aapat na ilaw na nasa lo...