Sa flag ceremonies noong nakaraang Lunes ng umaga, ay hinihiling ni Dra. Mercydina A. Mendoza-Caponpon ng City Health Office sa mga pinuno at kawani ng pangasiwaang lunsod, gayon din sa mga pinunong barangay at lider ng iba’t ibang samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod na naanyayahang dumalo sa pang-umagang pagtitipon, na makipagtulungan upang maipabatid sa kanilang mga kakilala ang mga payak subali’t mabisang pamamaraan upang maiwasang sila ay mahawa o maapektuhan ng Influenza A virus, na lalong kilala sa ngayon na H1N1 virus. Ipinabatid rin ni Dra. Caponpon ang mga hakbanging dapat isagawa sakali’t sila ay may mga kasambahay na kinapapansinan ng pagkakaroon ng mga ipinalalagay na sintomas ng H1N1, at ang dagliang pagpapaabot ng impormasyon sa kay Dr. Job D. Brion, ang City Health Officer ng lunsod, upang ang suspect na apektado ng virus ay madalaw kaagad ng mobile surveillance team upang masuri ang kanilang tunay na kalalagayang pangkalusugan. Kung ito ...