Kaugnay ng pagsapit ng buwan ng Hulyo na sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1021, ay ipinagdiriwang na National Blood Donor’s Month, nagpapaalaala si Dr. Emmanuel D. Loyola na isang regular donor na kasapi na ng Blood Galloners’ Club ng Philippine Red Cross-San Pablo City Chapter, na ang pagdodonasyon ng dugo ay nakabubuti sa puso, atay, at bato, sapagka’t napapalitan ng bago ang lumang dugo na nasa katawan. Ang indibidwal na may gulang na mula sa 18 hanggang 60 taon, may timbang na hindi bababa sa 50 kilo, at may maayos na presyon at hemoglobin ay kuwalipikadong maghandog ng dugo. At pag-alinsunod sa mga ipinaiiral na batas, kahit na ang mga regular donor ay sumasailalim ng masusing pagsusuring medical bago kunan para na rin sa kanilang kapanatagang pangkalusugan. Ayon na rin kay Doc Eman ay hindi na pinag-uusapan ang kahalagahan ng dugo sa kalusugan ng isang tao Ang dugo ang gumagawang mainit o malamig an gating katawan, ito ang lumalaban sa impe...