Kaalinsabay ng pagdiriwang ng La Laguna Festival, si Police Inspector Rolando A. Libed ng San Pablo City Police Station ay pinagkalooban ni Gob. Jeorge ER Ejercito Estrega ng plaque of recognition noong isang Huwebes ng gabi, Abril 14, bilang pagkilala at parangal sa kanyang pagiging Natatanging Epektibo at Responsableng Alagad ng Batas ng Laguna 2011.Masasabing si Insp. Libed ay isang nang “most decorated police officer” sa hurisdiksyon ng Laguna Provincial Police Office. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment