Skip to main content

ILLAC DIAZ, PINABULAANANG SIYA AY BUMIGKAS NG MAPANIRANG SA KATAGA

Sa pamamagitan ng isang counter-affidavit na nilagdaan at inilahad sa Office of the City Prosecutor noong nakaraang Martes, Abril 26, 2011, ay pinabulaanan ni G. Illac Diaz, na nagpahayag na siya ang executive director ng My Shelter Foundation, isang non-stock non-profit organization na nakatala sa Securities and Exchange Commission (SEC), ang mga alegasyon ni Bokal Angelica B. Alarva na siya ay bumigkas ng mga mapanirang salita nang sila ay magkatagpo sa pinagtatayuan ng isang “Proposed 8-classroom schoolbuilding sa Barangay San Jose noong isang araw ng Biyernes, Marso 11, 2011.

     Inilahad ni Diaz sa kanyang pinanumpaang salaysay na ang tangi niyang hangad sa pakikipagkita kay Alarva ay upang kuhanin ang resibo opisyal sa kanyang pagkatanggap ng halagang P500,000 na ipinagkaloob ng Diversy Corporation noong Disyembre 7, 2010, gayon din ng mga kasulatang legal sa pagkatanggap ni Alarva ng 1,200 bag of cement na tinatayang nagkakahalaga ng P200,000. Hindi pa rin nagpapakita umano si Alarva ng mga resibo para sa mga biniling construction supplies mula sa Cyren Builders and Construction Supplies na umaabot sa kabuuang halaga na P499,865.00, at kung sino ang tumanggap nito.

     Katunayan nito, wala umanong makapagturo kung saan naroroon ang tanggapan at tindahan ng Cyren Builders and Construction Supplies.   
     Nakalahad sa counter-affidavit ni Diaz na ang lahat ng ginagawa niyang paghiling na ipakita ni Alarva ang mga resibo o mga kasulatang legal na magpapatunay sa tamang paggugol ng foundation ay sa pamamagitan ng registered mail with return card, at ang lahat niyang sulat ay hindi tinutugon ni Alarva.

     Naninindigan si Illac na siya ay “sibil” sa pakikitungo kay Alarva.
     Sa mga kasulatang inilahad sa Tanggapan ng Tagausig ng Lunsod, napagkuro na ang pagpapatayo ng may-walong silid na gusaling pampaaralank, na tinatawag na “San Pablo Bottle School Project (BSP),  ay tinatayang magkakahalaga ng P2.880,000.00 kung saan ang P2,400,000.00 ay iilakin ng My Shelter Foundation, at ang P480,000.00 ay itutulong ng Provincial Government of Laguna sa pamamagitan ni Gobernador Jeorge ER Ejercito Estregan. Ang loteng patatayuan ay  tulong ng City Government of San Pablo.

     Samantala, isang kilalang legal practitioner sa Santa Cruz, na sa dahilang nang magpatawag si Bokal Angelica Jones Alarva ng press conference sa Maynila ay nakaladkad niya ang pangalan ng Sangguniang Panglalawigan, at maging ang pangalan ng Punonglalawigan na nagpahayag ng kahandaang tumulong upang matapos ang natatanging gusaling pampaaralan, ay nararapat na ang Ethics Committee o kung aling mang angkop na komite ng sanggunian, ay magsiyasat, upang alamin ang katotohanan sa likod ng pagpapatayo ng San Pablo Bottle  School Building, sapagka’t ang pondong inilaan dito ay masasabing public fund, sapagka’t ang mga donasyon sa My Shelter Foundation ay tax deductable o ang katumbas na halaga ay binabawas sa bayaring buwis ng nagdonasyon sa Bureau of  Internal Revenue. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...