Angkop kayang alaala? Isang magandang pagkakataon, na si SPO1 (o Sgt.) Norman Jesus Platon, na tubong M’lang, North Cotabato, na dating kagawad ng Philippine Constabulary, ay natalaga dito sa San Pablo City Police Station simula noong nakaraang Buwan ng Pebrero, at kaagad niyang napansin ang kulay puting pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Amutan Alicbusan ng 27 th Philippine Constabulary Company, na nasawi sa pakikipaglaban sa isang pangkat ng Hukbong Magpapalaya sa Bayan (HMB) o ang sandatahang lakas ng Parftido Kumunista noon, na lumusob sa kalunsuran noong madaling-araw ng Marso 29, 1950. Kasama niyang nasawi sina S/Sgt. Cenon Salvador, Sgt. Atanacio Maliberan, at Pfc Cipriano Panquito, nang salubungin nila ang lumulusob na kalaban ng kapayapaan sa may MRR Crossing sa may Bagong Pook, na noon ay hindi pa lubhang marami ang naninirahan, upang mailigtas ang mga sibilyan sa mga ligaw na bala o crossfire. Nakadama si Sarhento Platon ng kalungkutan sa nakitang...