Skip to main content

Posts

Showing posts from March 14, 2010

Election Na naman!

We have received this email before, but good to share and read again, a nice reminder at this time, because it's........ ... HEAVEN AND HELL While walking down the street one day a Corrupt Philippine Senator was tragically hit by a car and died. His soul arrives in heaven and is met by St. Peter at the entrance. "Welcome to heaven," says St. Peter. "Before you settle in, it seems there is a problem. We seldom see a high official around these parts, you see, so we're not sure what to do with you." "No problem, just let me in," says the Senator.. "Well, I'd like to, but I have orders from the higher ups. What we'll do is have you spend one day in hell and one in heaven. Then you can choose where to spend eternity." "Really?, I've made up my mind. I want to be in heaven," says the Senator. "I'm sorry, but we have our rules." And with that, St. Peter escorts him to the elevato...

SAN PABLO CITY GENERAL HOSPITAL LOGO MAKING CONTEST INILUNSAD

     San Pablo City   – Hinikayat ni Bb. Elsa M. Barcelona, Supervising Administrative Officer ng San Pablo City General Hospital noong March 15 sa isinagawang Flag Raising Ceremony ang lahat ng may  angking talino sa paglikha ay kanyang inaanayahang  makilahok sa Logo Making Contest na magsisilbing corporate seal ng pagamutan. Magsisimula ang pagtanggap ng mga entries mula Marso 15 hanggang 30, 2010 sa tanggapan ng Supervising Officer ng San Pablo City General Hospital o di kaya’y isumite sa Pinuno ng iba’t-Tanggapan ng Pamahalang Lokal.      Ang lahat ng entry ay maaring gawang kamay o di kaya’y ginawa sa computer na may sukat na 5 inches in diameter at nakasentro sa isang puting A4 bond paper (landscape format). Kinakailangan din  ang naturang logo ay mayroong kulay na berde (green) sapagkat ito ang opisyal na  kulay ng naturang ospital. Ang lahat ng mga kalahok ay kinakailangan magsumite ng 2 kopya ng kanilang likha,...

GUMAMIT NG TUBIG POSO SA HALAMAN

CALAUAN, Laguna – Nagpapaalaala si Gng. Felisa “Baby” L. Berris, Unang Ginang ng bayang ito, na kaugnay ng nababalitang banta ng tagtuyot dahil na epekto ng El Niño, na sa pagdidilig ng mga tanim na gulay, at maging mga ornamental plant, ay iwasan ang gumamit ng tubig mula sa water district, dahil sa ito ay nagtataglay ng chlorine o kemikang panglinis ng tubig, na bagama’t nakatutulong sa pangangalaga ng kalusugan ng tao at hayop, ay nakasasama naman sa kalusugan ng halaman.      Ang dapat gamitin ay tubig na mula sa poso artesyano, dahil sa ito ay hindi nahahaluan ng clorine.      Si Gng. Baby Berris ay may malawak na kasanayan sa pag-aalaga ng halaman dahil sa ang kanilang pamilya ay may commercial farm na nagpapatubo ng mga halamang ginagamit sa landscaping o pagpapaganda ng kapaligiran.      Kung sadyang walang malayo sa poso artesyano o ilog na mapagkukunan ng tubig na pandilig sa halaman, ipinapayo ni Baby Berris na an...

GOB. NINGNING, NAMAHAGI NG PATABA

      ALAMINOS, Laguna – Umaalinsunod sa Development Strategy for  Laguna (DSL) na binalangkas ng Tanggapan ni Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro sa tagubilin ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, ang pangasiwaang panglalawigan sa koordinasyon ng tanggapan ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias, ang pangasiwaang panglalawigan ay namahagi ng organic fertilizer, at ng soil conditioner sa mga magtatanim ng pinya sa Barangay San Agustin, San Benito, Del Carmen, San Juan, at San Ildefonso upang ganap na mapasigla ang industriya ng paghahalaman sa bayang ito na isinusulong ni Mayor Eladio M. Magampon.      Sa seremonya ng pamamahagi na ginanap sa Barangay San Agustin sa pagtangkilik ni Punong Barangay Rustico D. Danta, sa Barangay San Agustin lamang ay nakapamahagi ng 210 sako ng organic fertilizer at 70 sako ng soil conditioner sa 70 maghahalaman, na ang nakararami ay magtatanim ng pinya.      Iniulat ni Da...

MAAYOS NA PANGALAGAAN ANG ASO – DR. BRION

Nagpapaalaala si City Health Officer Job D. Brion sa lahat ng mga nagmamay-ari o nag-aalaga ng aso na sila ay may pananagutan na gaya ng mga sumusunod: pabakunahan ito laban sa rabis minsan isang taon, at tiyaking ito ay maayos na nakatala sa itinakdang registration card; maayos na pangasiwaan ang inaalagaang aso, at ito ay hindi dapat hayaang nakalilibot sa labas ng kanilang bakuran, liban na lamang kung ito ay nakatanikala at akay ng may alaga rito; at  ang alagang aso ay dapat na pinapaliguan o pinangangalagaang malinis, at pinagkakalooban ng tamang pagkain upang mapanatili ang kalusugan nito, Ang alituntuning ito ay malinaw na nakatagubilin sa Seksyon 5 ng Batas Republika Bilang 9482 o  Anti- Rabies Act of 2007.      Pananagutan din ng may-ari ng aso na sagutin ang lahat ng magugugol sa pagpapagamot  sa sino mang makakagat ng alaga niyang aso, paalaala ni Dr. Job D. Brion.      Samantala, nagpapaalaala si Dr. Fara Jayne Orsol...

EPEKTO NG EL NIÑO, PINAGHANDAAN SA LAGUNA

STA. CRUZ, Laguna –   Pag-alinsunod sa tagubilin ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, na umaalinsunod sa Development Strategy for Laguna (DSL) na binalangkas ni Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro, iniulat ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias na ang kanyang tanggapan ay nakapagsagawa na ng mga pagkilala sa mga lawak na naapektuhan ng umiiral na tagtuyot na dulot ng El Niño Phenomenon na nangangailangan ng mga pangkagipitang tulong mula sa pangasiwaang panglalawigan.      Sa tulong ng mga eksperto sa paghahalaman mula sa Pamantasan ng Pilipinas   at ng Vegetable Protection Center ng Department of Agriculture sa Los Baños, ay kinilala na nila ang mga panghaliling halaman o alternative crop na maitatanim ng mga magsasaka pa may ibang mapagkakitaan.         Ang Provincial El Niño Task Force sa pamamatnugot ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro, ay may pakikipagsanggunian din sa mga kinatawan ng National ...

SANGGUNIANG PANG LUNSOD HUWAG MAGING KRITIKO NG EXECUTIVE DEPARTMENT

      San Pablo City   - Nanawagan si Mayor Vicente B. Amante,  Ph.D.  ( Honoris Causa ) sa Sangguniang Panglunsod na huwag maging kritiko ng Executive Department dahil hindi naman naging kritiko sa kanila ang Executive Department sa kabila ng diumano’y ginagawang panlilinlang nito sa mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.      Binigyang linaw ni Mayor Amante ang diumano’y hindi pa pag-ooperate ng San Pablo City General Hospital. Sang-ayon dito, inilalagay lamang ang lahat sa ayos at sumusunod lamang sa mga itinakdang proseso ng Department of Health kung kaya’t hindi pa ito nag-ooperate. Pinasinungalingan din nito na walang empleyado at mga kagamitan ang naturang ospital. Hindi lamang agad nabili ang mga kagamitan sa dahilang hindi pa rin naman ito nag-ooperate.  Sinabi nitong nais lamang palabasing siya’y isang corrupt na lider samantalang ayon dito bago pa man ma- release ang pondo ay napakadami muna nitong pinagdadaanang proseso...

MANNY “PACMAN” PACQUIAO MULING NAPAGKAISA ANG MGA SAN PABLENO

San Pablo City – Muling nasaksihan ang pagkakaisa ng mga San Pableno ng sama-samang manood ng pinakahihintay na “The Event” sa Amante Gymnasium ng San Pablo Central School  noong nakaraang Linggo, Marso 14.  Malakas ang naging palakpakan at hiyawan ng mga fans ni Manny “Pacman” Pacquiao nang sa wakas ay ipinakita na sa widescreen ang “Pambansang Kamao” matapos ang matagal tagal ding paghihintay ng lahat. Animo’y nabuhayan ng dugo ang lahat ng masaksihan ang pagpasok ng inaabangang “Athlete of the Year” at idolo ng lahat na si Pacman.      Ganado ang lahat ng sa unang round pa lang ay nagpakita na agad ang Pambansang Kamao ng kanyang bagsik sa loob ng ring laban kay Joshua “The Grandmaster” Clottey sa Arlington Cowboy Stadium, Dallas, Texas. Nadismaya naman ang mga fans sa  tila pagpapakita ni Clottey ng kaduwagan sa buong laro dahil sa pagsangga nito sa kanyang mukha sa buong laban.      Malakas namang tawanan ang narinig sa buon...

MGA LUMA AT SIRANG WATAWAT SINUNOG UPANG BIGYANG PARANGAL

San Pablo City – Isinagawa ang isang Flag Burning Ceremony sa mga sira, kupasin, at lumang watawat upang ito ay bigyan ng pagpapahalaga at parangal. Ang maikli subali’t madamdaming seremonya ay ginanap noong Biyernes, Marso 12 sa harapan ng Old Capitol Building sa pangunguna ng Boy Scout of the Philippines, San Pablo City Council at ni City Administrator Loreto S. Amante.      Isa-isang isinalarawan ang ebolusyon ng watawat ng Pilipinas na siyang kumakatawan sa lahing Filipino at sumisimbolo sa sakripisyong inalay ng ating mga ninuno alang-alang sa kalayaan ng bansa laban sa kamay ng mga dayuhan. Malinaw ring nailahad ng mga Scouter mula sa iba’t ibang school district sa lunsod ang mga layuning nakapaloob sa ebolusyon ng ating watawat.        Ayon City Administrator Amben Amante ang pagsunog sa mga lumang watawat ay bilang pagbibigay pugay dito. Madamdamin nitong tinalakay   ang kahalagahan ng naturang okasyon para sa lahat ng mga Pil...

NATIVE CHICKEN, KAPAKIPAKINABANG PARAMIHIN

      Umaalinsunod sa Development Strategy for Laguna (DSL) na binalangkas ng pangasiwaang panglalawigan,iniulat ni Provincial Agriculturist Marlon P. Tobias na kapakipakinabang ang pagpaparami ng katutubong manok o native chicken.   May mga lugar na tinatawag din itong “Manok Batangas.”      Ang katutubong manok ay dapat paramihin hindi lamang dahil sa ito ay mataas ang halaga sa pamilihan, kund para mapagkunan ng protina at itlog para sa mag-anak, paalaala pa ni Tobias.      May mga ulat na sa pag-aaral ng University of the Philippines at Los BaÑos (UPLB), tinatayang 54.70   porsyento ng manok sa bansa na kinakain ng mga mamamayan ay katutubo o native na pinalaki sa mga likod bahay, lalo na sa Visayas at Mindanao.      Napag-alaman pa na maraming Pilipino na higit na nais lutuin ang katutubong manok kaysa mga manok na pinalaki sa mga commercial poultry houses, dahil sa lasa, linamnam ng laman,...

Jaycees in Action

Nang isagawa ang “Pag-aaral sa wastong pagboto gamit ang computerized election machine” na itinaguyod ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng Diyosesis ng San Pablo, na ginanap sa Liceo de San Pablo Gymnasium noong Sabado ng hapon,  ang liderato ng Junior Chamber International –San Pablo Seven Lakes ang nangasiwa sa pagsasanay sa tamang pagiitim ng oval sa tabi ng pangalan ng ibobotong kandidato sang-ayon sa pagkakatala nito sa official ballot.Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Chapter Vice President Rafael P. Mandap, Chapter President John Rainier E. Barbaza, JCI Member Arnel Papa de Leon, at Chapter Secretary Avegael Austria. Napag-alaman na ang 62 nd  Induction of Officers of JCI-San Pablo City Seven Lakes ay nakatakda sa darating na Marso 31, 2010 sa Coco Palace Restaurant and Hotel. ( Ruben E. Taningco )

KILALANIN ANG MGA KANDIDATO

Ang Rotary Club of San Pablo City Central, sa pamamatnubay ni Club President Adoracion B. Alava, ay kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa lider ng iba’t ibang samahang sibiko at organisasyon sa paglilingkod sa lunsod para maisaayos ang pagtataguyod ng “Know Your Candidates Forum” kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 Local Elections.      Sang-ayon kay Doctora Doray, ang aanyayahan ay ang apat (4) na kandidato sa pagka-Gobernador; apat (4) na kandidato/a sa pagka-Bise Gobernador; tatlong (3) kandidato/a sa pagka-Kongresista sa Ika-3 Distrito ng Laguna; apat (4) na kandidato sa pagka-Alkalde ng Lunsod ng San Pablo; at dalawang (2) sa pagka-Bise Alkalde. O labing pitong (17) lahat ang kandidatong aanyayahan sa talakayan.      Para sa kaayusan sa oras, inaasahang ang talakayan para sa “Know Your Candidates” ay maisasagawa sa darating sa ikalawang linggo ng buwan ng Abril o pagkatapos ng tinatawag na :Mga Mahal Na Araw.”      Batay s...

BOARDWALK SA LAWA, IPINAGAGAWA NI LAPID

Mula sa pondo ng Philippine Tourism Authority (PTA),  sa kahilingan nina Congresswwoman Ivy Arago, Mayor Vicente Arago, at Councilor Angie Yang, na naipalabas sa tulong ni Reelectionist Senator Manuel “Lito” Lapid (inset) ay kasalukuyang itinatayo sa tulong ng JOBEL Enterprises ang isang may 100-metrong boardwalk  (o pasyalang yari sa I-beam at tabla) sa baybayin ng Sampaloc Lake sa sakop ng Barangay V-A sa ikasisigla ng eco-tourism industry ng lunsod.  Ang pagtatayo ay may pakikipag-ugnayan sa Laguna Lake Development Authority at sa pagsubaybay ni DPWH District Engineer Federico L. Concepcion. ( Ruben E. Taningco )     

KABATIRANG PANGHALALAN

Sa nakaraang pulong ng Pastoral Council for Responsible Voting ng Diyosesis ng San Pablo, na ginanap sa Liceo de San Pablo Gymnasium noong Sabado ng hapon sapamamatnugot ni Fr. Eugene Fadul, tagapangulo ng PPCRV sa diyosesi, iniulat ni OIC City Election Officer Patrick H. Arbilo na kaniya nang napulong ang lahat ng kandidatong naghahangad ng tungkulin dito sa Lunsod ng San Pablo upang kanila ng kusang tanggalin o alisin ang lahat ng pre-campaign period materials, tulad ng mga tarpaulin at poster na nasa labas ng mga itinalagang poster area ng Commission on Elections.bago maghatinggabi ng Lunes, Marso 22, 2010 o tatlong araw bago magsimula ang panahon ng kampanyahan o campaign period sa Marso 26.na araw ng Biyernes.      Ipinaalaala na rin ni Arbilo na kung sa pribadong gusali o bakuran maglalagay ng poster at tarpaulin, dapat na ito ay sa kapahintulutan ng may-ari ng gusali o bakuran, bagama’t nananatiling ito ay hindi lalaki sa itinakdang sukat ng komisyon.  ...

INIAALOK, GAWAIN SA SM-SAN PABLO

SAN PABLO CITY – Inaanyayahan ni City Administrator Loreto S. Amante, bilang manager ng City People’s Employment Services Office (PESO) ang lahat ng may sapat na katangian na interesadong maglingkod sa bubuksang SM-San Pablo City Department Store na lumahok sa SM Job Fest na gaganapin sa darating na Marso 11 at 12, 2010 sa PAMANA Hall o City Government Covered Court sa City Hall Complex, simula sa ika-9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.      Ang iaalok na mga posisyon ay may-uring department manager, technical staff officer, at supervisory functions, sang-ayon pa kay Amante. Kaya ang mga interesadong lumahok ay dapat na dumalong may maayos na kasuutan, at   magdala ng comprehensive resume, kalakip ang dalawang (2) kopya ng 2”x2”   colored photograph na puti ang background, photo copy ng transcript of records and diploma (pero dalahin din ang original copy for verification), Social Security System Number, at kung maaari ay magdala na rin ng printout ...

SIMPLE LANG PO PARA SA BAYAN – ALVAREZ

      ALAMINOS, Laguna – Bilang isang naghahangad na makapanungkulan bilang punumbayan dito, nabanggit ni Vice Mayor Ruben D. Alvarez na payak ang kanyang pangarapin bilang isang pinunong bayan, “ Simple lang po para sa bayan ,”   wika niya, upang maipagkaloob ng pangasiwaang lokal ang mga pangunahing palatuntunang pangkalusugan, panglipunan, at pangkapanatagan.      Ayon kay Alvarez, ang pangunahin sa kanyang pangarap para sa bayang ito, ay ang makitang bago matapos ang susunod na tatlong taon, ay matiyak niya na ang lahat ng mga sambahayan sa sakop ng munisipyo ay masasakop ng National Health Insurance Program, sa pamamagitan ng pagpapatala sa kanila sa Philippine Health Insurance Corporation, upang matiyak na ang lahat ay may pagkakataong mapagkalooban ng mataas na uring paglilingkod na pangkalusugan sa pamamagitan ng mga establisadong paggamutan.      Nabanggit din ni Alvarez na napapanahong ang pangasiwaang lokal a...

HALL OF FAMER IN ESSAY WRITING CONTEST

For having had produce three of the four first placers in the Annual On-the-Spot English Essay Writing Contest for high school fourth year students, the Laguna College recently received the Perpetual Trophy presented by the contest sponsor, the Rural Bank of Seven Lakes (San Pablo City), Inc. during a simple ceremony held at the board room of the , Every high school (both public and private) unit is being represented by a contestant and representatives of Laguna College emerged as first place winner in 2006, 2007 and 2009. Shown receiving the award from bank Chairman/President, Retired RTC Judge Odilon I. Bautista (from left) are High School Principal Aurora S. Baldrias, Coach Celenia A. Panaliganm and this year winner Ronela Kaye B. Flores. Bank Manager Eduardo M. Garcia looks on. Essay Writing Contest    is a good medium to train the capability to express the feeling and sentiments of the young high school students on any particular subject, hence, the bank policy makers ...

NAPANGANGALAGAANG DANGAL NG LAGUNA

Ang bawa’t binabalangkas na palatuntunan ay matamang pinag-aaralan ni Gobernadora Ningning Lazaro STA. CRUZ, Laguna - Sa kalakaran, pangunahing layunin ng isang yunit ng pamahalaang lokal, saan mang panig ng daigdig, na maipagkaloob sa kaniyang mamamayan ang maayos, patuluyan, at maaasahang paglilingkod na pangkalusugan, panglipunan, at pangkapayapaan o pangkapanatagan, nqa kung isasaalang-alang ang bilang ng gawad o pagkilalang tinanggap ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa pamamatnubay ni Gobernadora Teresita S. Lazaro, ay taas-noo ang kasalukuyang punonglalawigan na masasabi sa lipunang kanyang pinangungunahan na ganap niyang nagagampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin at pananagutan sa nakalipas na mahigit na siyam (9) taon. Sa pakikipanayam ng pahayagang ito, sinabi ni Gobernadora Ningning Lazaro na hindi siya nangakong siya ay magiging malinis at matapat sa tungkulin, sapagka’t ito ay kasama sa pananagutang tinatanggap ng sino mang pinunong halal sa kanyang panunum...