Nang isagawa ang “Pag-aaral sa wastong pagboto gamit ang computerized election machine” na itinaguyod ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng Diyosesis ng San Pablo, na ginanap sa Liceo de San Pablo Gymnasium noong Sabado ng hapon, ang liderato ng Junior Chamber International –San Pablo Seven Lakes ang nangasiwa sa pagsasanay sa tamang pagiitim ng oval sa tabi ng pangalan ng ibobotong kandidato sang-ayon sa pagkakatala nito sa official ballot.Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Chapter Vice President Rafael P. Mandap, Chapter President John Rainier E. Barbaza, JCI Member Arnel Papa de Leon, at Chapter Secretary Avegael Austria. Napag-alaman na ang 62nd Induction of Officers of JCI-San Pablo City Seven Lakes ay nakatakda sa darating na Marso 31, 2010 sa Coco Palace Restaurant and Hotel. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment