Skip to main content

YES camp sa year of the youth

     SAN PABLO CITY - Para sa pagkakaibigan, pagkakaisa at lalong mapalapit sa Diyos ang mga kabataan ng iba’t-ibang parokya sa Lalawigan ng Laguna, ang San Pablo Youth Commission (SPYC) ng Diocese of San Pablo ay nagsagawa ng  3-Day Diocesan Youth Empowerment Summer (YES) Camp.

Matapos mabalangkas ang report, ang isa sa mga workshop group  ay ang masayang pagpapakuha ng larawan na nakatulong upang magawang masaya ang alaala ng kanilang pagsasama-sama at pagkakaisa sa pagbalangkas ng palatuntunang inaasahang makatutulong sa kagalingan ng kanilang mga kasinggulang na kabataan
     Ang tatlong araw na youth camp na ginanap noong Abril 27-29, Miyerkoles hanggang Biyernes,  sa San Marcos Elementary School sa Barangay San Marcos, lunsod na ito na nilahukan ng may 200 kabataan mula sa iba’t ibang parokya na nakatatag sa mga lunsod at munisipyo na bumubuo ng Lalawigan ng Laguna, na siya ring kabuuang hurisdiksyon ng Diyosesis ng San Pablo na opisyal na natatag noong Nobyembre 28, 1967.

     Malugod na tinanggap ang mga delegado-kalahok ng San Marcos Lay Association sa pamumuno ng coordinator na si Mrs. Teotima Villapando at sa pamamatnubay ni Rev. Fr. Jerry Oblepias, kura paroko ng Parokya ng Del Remedio na nakakasakop sa San Marcos.
     Ayon sa Facebook page na ‘Diocesan Youth Empowerment Summer (YES) Camp 2011’, ang bawat parokya ay pwedeng magpadala ng hanggang 12 aktibong kabataan sa event na ito at may registration fee na Php 500.00 per participant.

     Ang Diocesan YES Camp ay may temang “Good Teacher, what must I do to inherit the eternal life?” na hinango sa aklat ng Marcos 10:17 ng Banal na Kasulatan o Bibliya.
     Ang camp ay naglalaman ng apat na sesyon na hinati sa tatlong araw: Tuning up with Christ Activity (trip ko ‘to) sa pangunguna ni Brother  Ryan P. Demesa bilang facilitator; Come and Follow Me (plenary) sa pamamatnubay ni  Sister Rowena Naag,  MSHFJ; The Way to Authentic Love (plenary) Activity: Tablet of the Commandments  na ginab ayan ni Rev. Fr. Alex Pontilla; at Accepting the Challenge Activity: “Maramihang Patintero,”  na pinangasiwaan ni Rev. Fr. Reginald Mamaril.
     Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kabataan na ipamalas ang kani-kanilang talento tulad ng pagsasayaw, pag-awit at pagtugtog ng mga instrumento sa “Gabi ng Kabataan” na naganap nang ikalawang gabi nila sa Diocesan YES camp. At ito rin ang naging pagkakataon upang maging magkakakilala ang mga kabataan.

     “Ang Diocesan YES Camp ang pinakamalaki at ang puso ng lahat ng mga aktibidad ng Youth Ministry”, ayon kay Brother Ryan P. De Mesa, Diocesan Finance Officer ng SPYC, na syang YES Camp 2011 over-all coordinator.

     Ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Youth (ECY) ang nagdeklara ng year of the youth na nagsimula noon pang December 16, 2010 at magtatapos sa December 16, 2011. Ito rin ang selebrasyon ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng ECY.

     Ang Diocesan YES Camp ay kasunod ng kakatapos na fiesta ni San Marcos, patron saint ng barangay na napiling pagdausan ng YES camp. Layunin din ng Diocesan YES camp na mapalakas ang pananampalataya ng mga kabataan sa bawat parokya.
     “Pagkalipas ng limang taon ngayon lang ulit nagkaroon ng Diocesan YES Camp ang mga parish youth dahil sa pagbabago sa leadership”, ayon kay Rev. Fr. Reginald Mamaril, Diocesan Youth Director na mula sa House of the Bishop. (DL/SP-Bagong Sinag/Zecher Nolasco)
 
 

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...