Skip to main content

MGA GAMPANIN NG BARANGAY SECRETARY

ALAMINOS, Laguna – Bilang tagapayo ng Liga ng mga Barangay, nagpapaalaala si Mayor Eladio M. Magampon MD sa lahat ng mga kalihim ng barangay o barangay secretary sa bayang ito na kanilang alalahanin ang itinatagubilin sa Seksyon 394 ng Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160 na sila ay may pananagutang maghanda ng maayos na talaan ng lahat ng kasapi ng barangay assembly, na ang nabanggit na talaan ay dapat may mga siping nakapaskel sa ilang hayag na lugar sa barangay; at kinakailangang maghanda at mag-ingat ng maayos na record ng lahat ng resident eng barangay na nalagay ang sumusunod na impormasyon: pangalan, tirahan, dako at petsa ng kapanganakan, kasarian, kalalagayan sa buhay, pagkamamamayan, gawain o hanapbuhay, at iba pang datus na makatutulong sa ganap na ikakikilala sa isang residente.


Ang barangay secretary ay dapat ding may maayos na pakikipag-ugnayan sa Local Civil Registrar para sa pagpapatala ng mga ipinanganganak, namamatay, at nag-aasawa sa barangay.


Lubhang mahalaga ang mga record na ito ayon kay Dr. Magampon dahil sa ito ang pinakapangunahing pangangailangan bilang reperensya o batayan ng ano mang gawain sa barangay, mula sa pagbalangkas at implementasyon ng mga palatuntunang pangkalusugan, paghahanda ng palatuntunan sa pagpapaunlad ng paaralan, sa paghahanda ng mga palatuntunan ng barangay disaster coordinating council, at maging sa mga palatuntunang may kaugnayan sa suliranin ng kapayapaan, kaayusan at kapanatagan.


Ang mga records na ito rin ang pangunahing batayan sa pagpapatawag ng community assembly na dapat isagawa dalawang beses isang taon para pagpasiyahan ang mga palatuntunang pangkaunlarang inihanda ng barangay development council na pinagtibay ng sangguniang barangay, at gayon din para pagtibayin ang proposed annual barangay budget na inihahanda ng sangguniang barangay, paalaala pa ng punumbayan (
RET)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...