Skip to main content

DOG LOVER, MAY PANANAGUTAN SA LIPUNAN

     SAN PABLO CITY - Pananagutan ng isang may alagang aso na ang kanyang alaga ay pakainin ng tamang pagkain at regular na pinaliliguan.  Hindi rin dapat hayaan ang hayop na malayang makapaglibot sa labas na kanilang bakuran, at kung kinakailangang ilabas, ay dapat na ito ay nakatanikala, at sa sandaling ito ay makakagat, ay dapat na ipagbigay-alaman kaagad sa city o municipal health office sa loob ng 24 oras, lakip ang pagpapaabot ng impormasyon sa kahandaang sagutin ang mga magiging gugol sa pagpapagamot ng biktima laban sa rabis, sapagkat  ang aso ay dapat na maayos na pinangangalagaan upang ang rabis ay maiwasan. Ito ang paalaalang ipinaaabot ni Dra. Fara Jayne C. Orsolino, city veterinarian ng lunsod, na ang saligan ng kanyang pahayag ay ang mga nakatadhana sa Anti-Rabies Act of 2007 o Republic Act 9482  , na pananagutan ng mga nagsisipag-alaga ng aso o pet owner na ito ay kanilang pabakunahan, at kung ang alaga nilang aso ay makakagat, ay pananagutan nila ang pagpapagamot sa nakagat o sa biktima.

     Nabanggit ni Dra. Orsolino na layunin ng batas na maipagtagumpay  na matamo ang isang pambansang palatuntunan na gagawang ang  bansa ay  “Rabies Free Philippines, at ang Office of the City Veterinarian ay nagsasagawa ng information education campaign na may pakikipag-ugnayan sa  Department of Agriculture,  Department of Health, Department of Education, at Department of the Interior and Local Government para sa partisipasyon ng mga yunit ng pamahalaang lokal. 

     Nabanggit ni Dra. Orsolino na araw-araw may tauhang makakapagsagawa ng pagbabakuna sa kanilang tanggapan, kasama na ang pagtatala sa pinabakunahang aso, gaya ng iniuutos ng Batas Republika Bilang 9482.   (Ruben E. Taningco)     

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY, HERE ARE SOME IMPORTANT NUMBERS: MERALCO HOTLINES: 5617773, 5617780, 09209474776, 09209474754 FIRE DEPARTMENT: 5627654 BRGY CONTROL 5623086 CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT HOTLINES: 503-2200, 800-2770, 09178273410 CDRRMC HEAD VIC RIVERA: 09189112370 DSWD SAN PABLO: 5621575 PNP-SPC: 5626474 PNRC-RED CROSS: 5624025