Ang SM Cinema, na binubuo ng apat (4) na sinehan ay pormal nang binuksan at pinasinayaan noong Biyernes ng tanghali sa pagmamagitan ng pagputol sa laso ni City Administrator Loreto S. Amante na hinahawakan nina City Councilor Angelo “Gel” L. Adriano, SM City San Pablo Cinema Manager Christian Magpantay, at SM Cinema Senior Officer Glenn Ang, matapos na ang kabuuan ng istraktura ay mabasbasan ni Padre Federico Asesor ng Missionary of Faith. Gumagamit ng makabagong movie projector at upuan, ang Cinema 1, 2, at 3 ay pawang may upuan para sa 300 manonood, samantala ang Cinema 4, na may built-in stage, ay may 393 upuan. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment