Matapos maipamahagi ang munting aklat na “ABC My Practice Book in Writing” para sa mga Day Cere Center sa mga bayang bumubuo ng 3rd Congressional District na ginanap sa One Stop Processing Center sa San Pablo City noong Miyerkoles ng umaga, Hunyo 23, 2010, si Gobernadora Teresita “Ningning” S. Lazaro ay nagpaaabot ng pasasalamat sa lahat na naging bahagi ng kanyang siyam na taong pangangasiwa sa Lalawigan ng Laguna, na ang tanging layunin at tunguhin ay maitaas ang antas ng pamumuhay ng tao. (CIO-San Pablo City)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment