Ang Rotary Centennial Park sa Lunsod ng San Pablo na itinayo sa baybayin ng Sampaloc Lake ay nagkaroon ng bagong anyo ng sa kapaligiran nito ay pinatayuan ng Tanggapan ni Senador Manuel “Lito” Lapid ng 200-metrong boardwalk sa kahilingan nina Congresswoman Ivy Arago, at Alkalde Vicente B. Amante. Ito ngayon ang paboritong pasyalan sa lunsod tuwing dapit-hapong maalinsangan ang kapaligiran. Ang nabanggit na proyekto ay nasa kahabaan ng Dagatan Boulevard, katapatan ng Rotary Club of Silangang San Pablo City Clubhouse, at mula rito ay abot-tanaw ang Bundok San Cristobal (inset). (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment