Skip to main content

HB 2662 NI IVY ARAGO, PANGANGAILANGAN

SAN PABLO CITY- Ikinatutuwa ng mga may tunay na pagmamahal at malasakit sa kagalingan ng lunsod ang paghahain ni Congresswoman Ma. Evita “Ivy” Roda Arago ng House Bill No. 2662 sa Malaking Kapulungan ng Kongreso, na nagpapanukalang ibalik mula sa poder ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagmamay-ari, pananagutan, at pangangasiwa sa pitong (7) lawa sa Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo. Sapagka’t walang magmamalasakit sa kalikasan ng lunsod kundi mismong ang mga taga-lunsod na rin, at dapat ding isiping ang pitong lawa ay hindi lamang para sa mga mangingisda, kundi para sa kabuuan ng lahat ng mamamayan ng lunsod.

Isang dating pinunonglunsod ang nagsabing pagkalipas ng dalawang (2) dekada ay saka lamang nagkaroon ng kinatawan ang Ika-3 Distrito ng Laguna sa Kongreso na nalamam, nadarama, at higit sa lahat ay may tunay na makasakit sa kapakanan at kagalingan ng isang mahalagang likas-yaman ng lunsod na ang kabuuan ng lunsod ang dapat makinabang.
Si Congresswoman Arago ay hindi ang may uring “Aye Sir” sapagka’t ang kanyang katapatan ay sa mga mamamayang naglagay sa kanya sa katungkulan, kaya ngayon ay unti-unti niyang naibabalik ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa Office of the Representative of the Third District of Laguna, dugtong pa ng dating political leader.

Ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ay nabalangkas at nabuo bilang isang ahensya ng pamahalaan sa bisa ng Batas Republika Bilang 4850 na inakda ni Senador Wenceslao Rancap Lagumbay na napagtibay noong
Hulyo 18, 1966 sa layuning mapangalagaan at mapaunlad ang Laguna de Bay sapagka’t noon ay aapat (4) na metro na ang lalim nito, at nagsisimula ng maging marumi dahil sa mga umuusbong na industriya sa kapaligiran nito, at paglaki ng populasyon sa baybayin ng lawa. Para higit pang magkaroon ng ngipin ang batas, ito ay nasusugan noong Oktubre 17, 1975 ng Presidential Decree No. 813. At nasakop ng LLDA ang pitong (7) lawa sa bisa ng pagtibayin ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Executive Order No. 927 noong December 16, 1983 na nagpapalawak sa sakop ng Laguna de Bay Region upang mapasailalim ng LLDA ang lahat ng lawa at ilog sa mga Lunsod ng San Pablo, Pasay, Caloocan, Quezon, Maynila at Tagaytay; mga Munisipyo ng Tanauan, Sto. Tomas at Malvar sa Batangas’ mga Munisipyo ng Silang at Carmona sa Cavite; Munisipyo ng Lucban sa Quezon; at mga Munisipyo ng Marikina, Pasig, Taguig, Muntinlupa, at Pateros sa Metro Manila.

Malawak ang kapangyarihan ng LLDA subalit walang direktang pananagutan sa mga San Pableño. Marami ang naghahalintulad sa LLDA mother agency nitong Department of Environment and Natural Resources. HInihikayat ang lahat na tumulong upang masagkaan ang masamang epekto ng Climate Change. Ang lahat ng kaparaanan ay ginagawa ng lahat kabilang ang pag-iwas na makadagdag pa ng lason sa himpapawid at pagbibigay ng mga rekomendasyong dapat gawin, tulad ng pagpapalawak ng forest cover upang maibsan ang climate change, ngunit ang DENR na patuloy sa pagpapalabas ng logging permit. Nang mabuo ang LLDA, ang lalim ng Laguna de Bay ay apat (4) na metro. Ngayon ang Laguna de Bay ay may average depth na dalawang (2) metro, at ang antas ng uri ng tubig nito ay nasa pinakamababang antas upang huwag lamang maalis ang Laguna Lake sa talaan ng Living Lakes sa daigdig.

Isang dating konsehal ang nalulungkot sa kasalukuyang kalalagayan ng pitong lawa, na nasa daan na para ang lunsod ay matawag na “City of Polluted Seven Lakes,” at kapansinpansing ang kilos at ipinatutupad na palatuntunan ng LLDA ay pumapatay sa mga nasabing lawa. Katunayan sa pag-aaral ng mga siyentista at kaanib ng UP Archeological Society na nagmasid sa pitong (7) lawa sa lunsod ay wala nang nabubuhay na isda sa malalim na bahagi ng Sampaloc Lake. At nang sila’y makaahon ay nagsipag-daingan sa baho ng kanilang diving suits na nagpapatunay na mabaho ang tubig sa ilalim ng lawa.

May opinion si dating Presidential Legal Adviser at ngayon ay Justice Antonio Carpio, pagtugon sa katanungan noon ni Alkalde Zacarias A. Ticzon na isa ring abogado, ay mababalik lamang ang pagkamay-ari at karapatan sa pangangasiwa sa Pitong (7) sa pamamagitan ng isang batas, kaya marami ang humahanga sa ipinakikita ni Congresswoman Ma. Evita R Aragon a tunay na malasakit para sa kapakanan ng Pitong (7) Law ng lunsod. Alam niya ang batas para masusugan ang isang batas para maisabatas ang pagbabalik sa Pitong (7) Lawa sa mga Mamamayan ng Lunsod ng San Pablo.

Isang kilalang lider sibiko sa lunsod ang nagmumungkahi sa mga taga-lunsod ng San Pablo, at Lalawigan ng Laguna, na sulatan nila ang mga kongresistang alam nila ang pangalan, para suportahan ang House Bill No. 2662 na kasalukuyang isinusulong ni Congresswoman Ma. Evita Roda Arago. (Sandy Belarmino/ 7LPC)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...