Ang Revenue District No. 55 na naka-base dito sa San Pablo City ay may patuluyang palatuntunan ng pagpapaalaala sa lahat na maagang maglahad ng kanilang Income Tax Return, at huwag ng hintayin pa ang huling araw ng pagpa-file nito sa Abril 15, 2011 upang makaiwas sa pagsisiksikan, na kung mababalam pa ay pagmumulta. Ang mga Accredited Collection Bank dito ay ang mga sumusunod: Land Bank of the Philippines (LBP), Philippine Veterans Bank (PVB), Security Bank and Trust Company (SBTC), Philippine National Bank (PNB), Bank of the Philippine Islands (BPI), Philippine Bank of Communication (PBCom), Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC), Metropolitan Bank and Trust Company (MBTC), at United Coconut Planters Bank (UCPB). (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment