Ang kinatawan ng pangasiwaan ng SM City San Pablo ay nakipanayam kay City Information Officer Leonides A. Abril Jr. noong Miyerkoles ng hapon upang mag-alok ng tulong sa ikapagtatagumpay ng mga mga palatuntunang itataguyod ng Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo, partikular ay sa promosyon ng mga gawaing may kaugnayan sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo, at sa pagkakaloob ng mga kasanayan sa mga naging Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga Senior Citizen upang ang mga nalalabi pang panahon sa kanilang buhay ay maging kapakipakinabang.. Ang nasa larawan (mula sa kaliwa) ay sina Public Relations Staff Keno Moreno, CIO Leo Abril, Global Pinoy Center Supervisor Willie Anne D. Lagaya, at Assistant Store Manager Rondon Porbiy. (CIO/Gerry Flores)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
regard :)
ReplyDelete