Kinilala noong Lunes ng umaga sa flag ceremonies sa City Hall na itinaguyod ni City Mayor Vicente B. Amante, na sinaksihan ni Provincial Administrator Dennis S. Lazaro, sina (mula sa kaliwa) Police Superintendent Kirby John Brion Kraft, Police Superintendent Raul Loy Bargamento, at Police Inspector Rolando A. Libed na kamakailan ay ginawaran ni PNP-CALABARZON Regional Director Police Chief Superintendent Roland dela Cruz Añonuevo ng ipagdiwang ng Philippine National Police ang kanilang ika-19 aniversaryo ng pagkakatatag sa Camp Vicente P. Lim sa Canlubang na salig sa kanilang mga nagawa sa nasasakupan ng Taong 2009. Si Supt. Kraft ay bilang commander ng Laguna Police Provincial Public Safety Management Company na tumanggap ng “Model Provincial Maneuver Unit Award” , si Supt. Bargamento ay bilang Chief of Police ng San Pablo na ginawaran ng “Model City Transformation Program Award,” at si Insp. Libed bilang hepe ng Community Relations Desk ng San Pablo PNP Station pinagkalooban ng citation bilang “Outstanding Community Relations Desk”, lahat sa CALABARZON Area. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
CONGRATULATIONS!!!!!!!
ReplyDeleteSya pala si Tito Kirby, sa news ko lang sya nakita kaya nagsearch agad ako sa internet .. hindi ko pa kasi sya nakikita sa personal .. :D Congrats !
ReplyDelete