Sa pangalan ni Gob. Teresita S. Lazaro, si Provincial Administrator Dennis Santiago Lazaro ay ipinamahagi ang tseke na tulong ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna sa iba’t ibang sangguniang barangay sa sakop ng ika-3 Distrito ng Laguna, kasama na ang para sa 14 na barangay dito sa Lunsod ng San Pablo, sa ginanap na flag ceremonies noong Lunes ng umaga sa City Hall sa pagtataguyod ni Alkalde Vicente B. Amante. Sinamahan ni Los Baños Mayor Caesar Pabalate Perez sa isinagawang pamamahagi, ang pondo ay para gugulin sa pagsasaayos ng mga lansangang nayon, pagpapatayo ng gusaling pampaaralan, pagsasaayos ng sistema ng patubig, at pagpapaunlad ng mga liwasang barangay na pawang naaayos sa ikasisigla ng eco-tourism industry ng lalawigan, kasama na ang Lunsod ng San Pablo. (Ruben E. Taningco)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment