Skip to main content

SAPAK Para Sa Kalusugan

Ang paulit-ulit na karaingan ng mga nagkakasakit na kagawad ng mga mahihirap na sambahayan sa lunsod, ay nagpatunay na makatarungan at kinakailangan ang papatapos ng ipinatatayo ng pangasiwaang lunsod na San Pablo City General Hospital sa Barangay San Jose, upang maging kabalikat ng mga umiiral ng mga pagamutan dito sa Lunsod ng San Pablo.


Katotohanang dapat tanggapin na ang dating San Pablo City District Hospital, na ngayon ay pinakikilos ng Pangasiwaang Panglalawigan ng Laguna, ay walang sapat na mga makabagong kagamitan sa pagsusuri o mga sophisticated diagnostic equipments gaya ng CT Scan, o Ultra-Sound, at maging X-Ray Machine, kaya ang mga pangunahing makabagong kagamitan ang kaagad ay pagsisikapang mabili at ma-acquire para sa sariling pagamutan ng pangasiwaang lunsod.


Pangkaraniwang idinaraing ng maraming may kapamilyang nagkakasakit na ang kanilang pasyente ay hindi matanggap sa San Pablo District Hospital dahil sa walang bakanteng kama o wala ng mga kinakailangang diagnostic equipment or medical paraphernalia. Sadyang kailangan ang “Sariling Aring Pagamutan Ating Kailangan (SAPAK)” para nasa lokal na pamahalaan kung papaano magagawa itong makatugon sa pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan, paalaala ni Mayor Vic Amante sa mga bumabati sa kanyang kaarawan ngayong Lunes, Oktubre 27.


Upang ganap na mapaunlad ang ipinatatayong San Pablo City General Hospital, ginagamit ni Alkalde Vicente B. Amante ang nadarama niyang pagtitiwala ng San Pableño Communities sa Estados Unidos at Canada o sa labas ng Lunsod ng San Pablo upang makahingi ng tulong para sa kagalingan ng mga mamamayan ng lunsod, gaya ng ginawang pagtugon ng Philippine American Medical Society of Western Pennsylvania na kasalukuyang pinangunguluhan ni Dr. Rogelio Irlandez Borja na nagpadala ng isang kompletong yunit ng anaesthesia machine na kinakailangan sa pagsasagawa ng mga major surgical operations, at inaasahang matapos na ang paggamutan ay madalaw ng liderato ng San Pablo City Medical Society, ay mauunawaan ng mga may magagandang kalooban kung ano ang dapat nilang ipagkaloob na kagamitan.


Ang SPC General Hospital ay hindi magiging ganap na pasanin ng pangasiwaang lokal, sa dahilang ito ay mapagkakalooban ng accreditation ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya maging ang mga mahihirap na mamamayan na napagkalooban ng PhilHealth Medicare Card ay may katiyakang makakapagtamo ng paglilingkod na dapat tamasahin ng isang bumabayad na pasyente o nasa pay ward. (Ben Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...