Skip to main content

IVY’S MEGA JOBS FAIR SA MAYO 22

Pamuling nagpapaalaala si Congresswoman Ma. Evita R. Arago noon nakaraang Linggo nang ganapin ang kanyang People’s Day sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc na sa pakikipag-ugnayan kay Director Ricardo S. Martinez Sr. ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Region IV-A at City Administrator Loreto S. Amante, ang concurrent San Pablo City PESO Manager, ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng isang Mega Jobs Fair sa darating na Mayo 22, 2009, araw ng Biyernes, na ang venue ay ang Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco kung saan maraming recruitment agencies na kumakatawan sa iba’t ibang industriya sa loob at labas ng bansa ang lalahok. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon sa maayos na hanapbuhay ang mga maaari ay nawalan ng trabaho bunga ng epekto ng global financial crisis, at ang mga bagong graduate ng mga professional courses sa katatapos lamang na school year.


Gaya ng dati, pinapayuhan ni Congresswoman Ivy Arago ang mga prospective job papplicant na ang pagtungo sa isang jobs fair ay dapat na pinaghahandaan. Dapat ay may maayos na kasuutan, at may personal grooming, may tiwala sa sarili at may kahandaang sumailalim ng interview upang ganap na maipakilala ang sarili, at kung magagawa ay makabubuting dalahin na ang kanilang passport, mga credential na baka kailanganing ipakita sa panahon ng interview, NBI Clearance at true copy ng birth certificate, at iba pang kasulatang kakailanganin sakali’t matatanggap na isang gawain.


Para sa karagdagang impormasyon ukol sa nakatakdang Mega Jobs Fair sa Mayo 22, 2009, ay maaaring makaugnay ang tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago sa telepono bilang (049) 801-3109. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

Profile of THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2011

By The Selection and Awards Committee In commemoration of the 71st Charter Anniversary of the City of San Pablo , Outstanding San Pableños have been chosen to represent what the city and its people are all about. The Outstanding San Pableños were chosen from nominees who are natural-born citizens of San Pablo or who have resided in the city for at least 20 years or naturalized citizens who have shown excellence in their professions and have contributed to the development of the country, the city, and their respective communities. 1. HEALTH SERVICES - DR. EMMANUEL DE VERATURDA LOYOLA , MD , FPSGS, FPCS             Dr. Eman Loyola is a native of Silang, Cavite who has migrated to San Pablo when he married Marylene Isip Azucena in 1990. He is a medical doctor by profession who graduated as Doctor of Medicine and Surgery at the University of the Philippines wherein he was recipient of the Dr. Jose Mascunana and Dr. Felipe Zamora...