Skip to main content

JOBS FAIR PARA SA LOCAL AND FOREIGN PLACEMENTS

SAN PABLO CITY - Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE)-Region IV-A, pag-alinsunod sa palatuntunang panglipunan ni Mayor Vicente B. Amante, ang Public Employment Services Office (PESO) sa lunsod na ito ay magtataguyod ng Jobs Fair for Local and Abroad sa darating na Biyernes, Agosto 24, 2007, simula sa ika-8:00 hanggang ika-4:00 ng hapon, sa Multi-Purpose Covered Court (PAMANA Hall) sa City Hall Complex.

Sang-ayon kay City Administrator and concurrent PESO Manager Loreto S. Amante, ang katangian ng mga dapat lumahok sa jobs fair ay may gulang na mula sa 18 taon pataas, at nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, subali’t ang mga nasa junior year na sa kolehiyo ay maaari na ring isaalang-alang. Makabubuti ring magdala sila ng mga sumusunod: bio-data o personal resume na may kalakip na larawang may sukat na 2” x 2”, birth certificate na kaloob ng Local Civil Registrar na pinatutunayan ng National Statistic Office’ at NBI Clearance na kinakailanagan sa local and foreign placements. Kung Gawain sa labas ng bansa ang hinahangad ay dalahin na rin ang kanilang valid passport.

Para sa karagdagang kabatiran, makabubuting makipag-ugnayan sa PESO Office na nasa 3rd Floor ng 8-torey Building, at hanapin lamang sina Bb. Linda C. Gonzaga at Lalaine Caliwagan. Ang kanilang telepono ay (049) 800-2953 at 562-3086. (CIO/p. d. bigueras)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY, HERE ARE SOME IMPORTANT NUMBERS: MERALCO HOTLINES: 5617773, 5617780, 09209474776, 09209474754 FIRE DEPARTMENT: 5627654 BRGY CONTROL 5623086 CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT HOTLINES: 503-2200, 800-2770, 09178273410 CDRRMC HEAD VIC RIVERA: 09189112370 DSWD SAN PABLO: 5621575 PNP-SPC: 5626474 PNRC-RED CROSS: 5624025