Umabot sa kabuuang 1,037 senior
citizen mula sa mga Bayan ng Alaminos, Calauan, Victoria, Rizal, Nagcarlan, at Liliw, at Lunsod ng San Pablo ang nasukatan ng grado ng mata noong Sabado ng maghapon na ginanap sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision upang mapagkalooban ng walang bayad na salamin sa mata ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa pakikipagtulungan ng Indian Chamber
of Commerce, Inc. Ang nagsagawa ng pagsusukat ay 10 optometrist
na may kasamang isang ophthalmologist bilang kasangguni, at ang yari ng salamin ay ihahatid sa tahanan ng mga pagkakalooban pagkaraan ng 15 araw. (CIO/Diogenes L. Bunquin)
Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon. Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...
Comments
Post a Comment