Skip to main content

PROYEKTONG LOTE PARA SA WALANG TIRIKAN NI REP. IVY ARAGO

Kuha ang larawan ng ilahad ng mga homeowners association sa Victoria ang kanilang kahilingan para sila ay mapagkaloooban ng tulong sa pabahay.


VICTORIA, Laguna - Nakatakdang ipamahagi sa limampung (50) kwalipikadong pamilya ang mga lote sa Danbuville, Brgy. San Francisco bayang ito bilang bahagi ng programa ng pamahalaan para sa mga kapuspalad na mga mamamayan.


Ang proyektong Danbuville ay naisakatuparan sa pamamagitan ni 3rd District Congresswoman Maria Evita Arago at sa ginawa niyang pakikipag-ugnayan sa National Housing Authority (NHA).


Magugunitang tinustusan ito ng naturang ahensya ng pabahay ng P997,500.00 sa ilalim ng programang lupa para sa mga walang lupa ng gobyerno.


Ayon kay Gemma Ignacio tagapangulo ng Danbuville Homeowner Association ay mas napadali ang pag-a-award sa kanila ng mga nasabing lote sapul nang si Rep. Arago ang nakipag-negosasyon sa NHA, at ngayon ay halos abot tanaw na nila ang matagal na nilang pinapangarap na lupang tirikan ng bahay.


Napag-alaman buhat kay Kalihim Boy Aquino na tumatayong coordinator at consultant ng proyekto na idadaan sa raffle ang naturang lote sa lahat ng kwalipikadong pamilya upang maging patas sa pagbabahagi ng lokasyon.


Tiniyak ni Aquino na ang lahat ay may loteng nakalaan. Nabatid pa kay Aquino na si Rep. Arago rin ang nagsaayos ng right of way at pagpapasemento ng bagong pamayanan.


Sa kasalukuyan ay isinasayos pa ng mambabatas sa NHA ang panibagong 91 lote ng Masville para sa mga benepisyaryo ng Brgy. Masapang, upang makasigurong abot kaya ang magiging buwanang hulog sa nasabing ahensya. (SLPC/Sandy Belarmino)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

Profile of THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS 2011

By The Selection and Awards Committee In commemoration of the 71st Charter Anniversary of the City of San Pablo , Outstanding San Pableños have been chosen to represent what the city and its people are all about. The Outstanding San Pableños were chosen from nominees who are natural-born citizens of San Pablo or who have resided in the city for at least 20 years or naturalized citizens who have shown excellence in their professions and have contributed to the development of the country, the city, and their respective communities. 1. HEALTH SERVICES - DR. EMMANUEL DE VERATURDA LOYOLA , MD , FPSGS, FPCS             Dr. Eman Loyola is a native of Silang, Cavite who has migrated to San Pablo when he married Marylene Isip Azucena in 1990. He is a medical doctor by profession who graduated as Doctor of Medicine and Surgery at the University of the Philippines wherein he was recipient of the Dr. Jose Mascunana and Dr. Felipe Zamora...