Skip to main content

ALEGASYON, MALI AT MAPANIRA - TAMORIA

Si PAMB Chairman Nilo B. Tamoria (inset) samantala nagpapaliwanag sa ginanap na press conference sa Sityo Baloc noong isang Linggo ng tanghali.


Tiyakan at tuwirang pinabulaanan ni Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ng Department of Environment and Natural Resources-Region IV-A, sa kanyang kapasidad bilang tagapangulo ng CALABARZON’s Protected Areas Management Board (PAMB) ang alegasyong ipinahayag sa isang nakaraang pulong ng Sangguniang Panglalawigan ng Laguna na pinahihintulutan ang pagtatayo ng isang golf course sa sakop ng Mounts San Cristobal and Banahaw Landascape. Ayon sa director, pinatutuhanan ng mga records sa Tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) ng Laguna, na wala ng ganoong kahilingan. Sa ilalim ng mga umiiral na regulasyon at alituntunin, ang pagtatayo ng golf course ay kinakailangang ikuha ng environmental compliance certificate (ECC) mula sa DENR, at walang napapatalang kahilingan ukol rito. Una, ang topograpiya ng bundok ay hindi angkop para pagtayuan ng golf course, at ikalawa, malinaw ang tagubilin sa National Integrated Protected Area System (NIPAS) o Batas Republika Bilang 7586 na ipinaiiral na simula pa noong Taong 1992 na hindi ipinahihintulot na baguhin ang likas na topograpiya ng lugar, kasama na ang pagbabawal na magputol ng anomang uri ng puno sa protektadong lawak. Walang batayang legal upang mapahintulutan ang pagtatayo ng golf course sa sakop ng Mounts San Cristobal and Banahaw Protected Landscape.


Ang paglilinaw ay ginawa ni Tamoria sa press conference na itinaguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago na ginanap sa Sityo Baloc na masasabing nasa foothill ng Bundok San Cristobal noong isang Linggo ng tanghali.


Wala ring katotohanan ang alegasyong may 50 pamilya ng pinaalis sa sakop ng protected area. Ang bilang ng pamilyang di-umano ay illegal na naninirahan sa sakop ng protektadong lawak ay 31, at sa dahilang walang batayang legal para mapahintulutan ang kanilang pagtigil doon, ay pinadalahan sila ng sulat ng PAMB para sila ay umalis noong nakaraang Nobyembre 2008, at ng sila ay balikan noong nakaraang Pebrero, ay dalawa lamang ang umalis na ang 29 pamilya ay nananatiling naroroon pa, malayo sa katotohanan na sila ay lumipat na sa isang bahagi na sakop ng Barangay San Cristobal sa Lunsod ng San Pablo, paglilinaw pa ni Director Nilo B. Tamoira.


Sa ilalim ng umiiral na batas, ang lahat ng claim sa nasasakupan ng public land ay dapat na suportado ng lot plan na inihanda ng isang rehistrado at lisensyadong geodetic engineer o agrimensor ns pinagtibay ng o approved by the Land Management Bureau, na isang ahensya sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources. Pinatutuhanan ni Protected Area Superintendent Sally Pangan na ang 29 claimants ay walang ipinakikitang plano ng lote o lot plan.


Napag-alamang ang 60 pamilyang pinagkalooban ng security of tenure sa lupang inuukupahan nila ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nag-submit ng Approved Land Survey Plan sapagkat ditto nakatala ang technical description na katanggaptanggap upang makilala ang loteng paksa ng usapin. Kanilang natugunan ang pangangailangan ng mga ipinaiiral na batas. (Ruben E. Taningco)

Comments

Popular posts from this blog

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

BARBARA JEAN APOSTOL A San Pableña
Passed the BAR Examination in the State of New York, U. S. A.

Miss Philippines-USA 2004-2005, Barbara Jean Chumacera Apostol, 27, passed the New York State’s examination for admission to the BAR given on July 24-25, 2007 . She attained her law degree at Hofstra University School of Law in the State of New York where she graduated with honors last May 20, 2007 . At Hofstra Law School , Barbara was the Vice President of the Asian Pacific American Law Students Association and was appointed to the position of Diversity Affairs Coordinator by the president of the Student Bar Association. Ms. Apostol was a 2002 cum luade graduate of Boston College, one of the oldest Jesuit University in the United States with campus in Chestbut Hill, Massachusetts, where she majored in pre-law and communication studies. Incidentally, she completed her elementary and secondary education at Sachem High School in Lake Ronkonkoma, NY. Barbara Jean is a daughter of Antonio Apostol and former Abecinia “Baisy” Chumacera of Barangay San Francisco, San Pablo Ci...