Skip to main content

MATAAS NA PAARALANG PANG-AGHAM NG LUNSOD, NAMAYANI SA KOMPETISYON SA MATEMATIKA

SAN PABLO CITY - Muling pinatunayan ng San Pablo City Science High School (SPCSHS) ang pagkakaroon ng mataas ng pamantayan ng pagtuturo sa disiplina ng siyensya at matematika, nang ang mga mag-aaral ditto ay namayani sa kompetisyon hanggang sa matamo ang Unang Karangalan sa Individual and Team Category ng 2009 MTAP-DEPED CHALLENGE (Written Elimination) na ginanap noong nakaraang Enero 9 sa kampus ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Sina Edsel M. Bondad, first year student; Gio S. Marasigan, second year student; Christian Lloyd S. Tan, third year student; at Siena Catherine A. Maranan at Sherilyn M. Sanchez mga fourth year students, ay pawang naging first placer sa individual category samantalang sa team category na binubuo nina Edsel M. Bondad, Clarissa Cacao at Diana Jean Guinto, First Year Team; Gio S. Marasigan, Edlyn Gatchalian at Jessa Mae Banayo. Second Year Team; Christian Lloyd S. Tan, Bernadette Culaban at Aryan Guban, Third Year Team; ; at Siena Catherine A. Maranan, Sherilyn M. Sanchez at Andrei Exconde, Fourth Year Team, ay itinanghal naman na mga RANK 1 o mga nangunang team sa isinagawang math challenge para sa mga estudyante ng 21 private and public secondary schools sa lunsod na ito . Ang mga gurong sina Venus O. Macam at Albert Saul ang tumayong Coach and Adviser ng mga nagsipagwaging mag-aaral.

“Ito ay muling pagpapatunay ng San Pablo City Science High School sa walang putol niyang paglalakbay tungo sa higit na karunungan sa larangan ng matematika at siyensya. Amin ang malaking kagalakan sapagkat sa kanyang ika-apat na taon mula nang ito’y matatag, ay nasasaksihan na ang pag-ani sa bunga ng mga binhing noon ay itinanim ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ni City Schools Superintendent Ester C. Lozada Ed. D sa lilim ng mabunying pakikiisa at pakikipagtulungan ni Mayor Vicente B. Amante” wika ni Education Supervisor 1 at SPCSHS Officer- In-Charge Helen A. Ramos

Ang SPCSHS ay naitatag noong taong 2005 sa pagsisikap ng administrasyon ni Mayor Vicente B. Amante upang maalalayan ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagsusulong nito sa kagalingan ng mga piling mag-aaral na may pambihirang talino at kakayanan sa larangan ng siyensya at matematika.
(SANDY BELARMINO)

Comments

Popular posts from this blog

FELICISIMO T. SAN LUIS, ANG ALAMAT NG LAGUNA

Si Abogado Felicisimo Tobias San Luis, na isinilang noong Hunyo 23, 1919, at lumaki sa Bayan ng Santa Cruz, ay nanungkulang Punonglalawigan ng Laguna simula noong Disyembre 30, 1955 hanggang sa siya ay papagpamahingahin noong Disyembre 18, 1992, o siya ay tuloy-tuloy na nanungkulan sa loob ng 36 taon, 11 buwan, at 18 araw, na kinikilala ng kasaysayan na siya ang natatanging lider na nanungkulan bilang punong tagapagpaganap ng isang lalawigan sa Pilipinas sa ganoong kahabang panahon.      Isang mabuting mananalumpati, nang ibaba ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Martial Law o ng ipatupad ang Presidential Proclamation No. 1081 noong 1972, sila ni Alkalde Cesar P. Dizon ng Lunsod ng San Pablo noon, ang inatasan ng Pangulo ng Bansa na maglibot sa mga lalawigan ng bansa upang ipaunawa sa mga pinunong lokal   ang kahulugan ng Martial Law bilang isang proseso upang maitatag ang Bagong Lipunan na inaasahang magbibigay-daan upang makamit ang pambansang kaunlarang pa...

DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK

What is now known as Doña Leonila (Mini-Forest) Park overlooking the Sampaloc Lake is actually a portion of the site for the City Hall Complex purchased in 1937 by the Municipal Government of San Pablo headed by President Inocencio Barleta, which was partly developed after the termination of World War II under the administration of appointed City Mayor, Dr. Fernando A. Bautista. During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring the country lass with agriculture harvest as centerpiece. Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress. Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made a...

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY

IN CASE OF EMERGENCIES IN SAN PABLO CITY, HERE ARE SOME IMPORTANT NUMBERS: MERALCO HOTLINES: 5617773, 5617780, 09209474776, 09209474754 FIRE DEPARTMENT: 5627654 BRGY CONTROL 5623086 CITY DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT HOTLINES: 503-2200, 800-2770, 09178273410 CDRRMC HEAD VIC RIVERA: 09189112370 DSWD SAN PABLO: 5621575 PNP-SPC: 5626474 PNRC-RED CROSS: 5624025