Skip to main content

LIBRENG OPERASYON NG LAHAT NG BUKOL

SAN PABLO CITY – Sa pag-uugnayan nina Gobernadora Teresita S. Lazaro at Congresswwoman Ma. Evita R. Arago, ang mga taga 3rd Congressional District ay may pagkakataong makapagpaopera ng ano mang uri ng tinataglay nilang bukol sa tulong ng mga siruhanong naka-base sa Estados Unidos at Canada na nagbabalik-bayan upang magkaloob ng tulong sa kanilang mga kababayan dito sa Lalawigan ng Laguna.

Ang lahat ng mga may bukol na nagnanais na sumailalim ng operasyon ng walang bayad sa serbisyo ng mga manggagamot, samantala ang mga kakailanganin gamot at surgical supplies na gagamitin ay bibilihin sa pagtutulungan nina Gobernadora Ningning Lazaro at Congresswoman Ivy
Arago.


Para sa kinakailangang pagsusuri o screening ng pasyente, ang mga nabibilang sa mahihirap na sambahayan ay pinapayuhan magsadya sa Siesta Residencia de Arago sa Gree Valley Subdivision sa Barangay San Franscisco sa darating na Miyerkoles, Pebrero 4, simula sa ika-8;OO ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon, upang sila ay maayos na maihanda sa pagpapatistis, at mapaghandaan.kung ano ang mga ispisipiko nilang pangangailangan.


Ang aktwal na pag-oopera o pagtitistis ay gaganapinsa Jose P. Rizal Memorial Hospital sa National Highway sa Calamba City sa Pebrero 9 – 13, 2009.


Para sa karagdagang kabatiran ukol sa proyektong ito nina Gobernadora Ningning Lazaro at Congresswoman Ivy Arago, ang Tanggapan ng Kinatawan ng Ika-3 Distrito ng Laguna ay may telepono bilang (049) 801-3109. (Ruben E. Taningco).

Comments