Skip to main content

Posts

Showing posts from May 1, 2008

Dr. Jaime Aristotle B. Alip, Namumukod na San Pableño

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo, si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ay napiling isa sa Mga Namumukod Tanging San Pableño o The Outstanding San Pableños , na pinarangalan ng pangasiwaang lunsod sa isang pagtitipon dito sa Coco Palace Hotel and Restaurant noong Martes ng gabi, kasama ng iba pang maipagmamalaking anak ng pamayanang kilala bilang Lunsod ng Pitong Lawa. Si Dr. Jaime Aristotle Barte Alip ang naglunsad noong 1986 ng isang microfinance project dito sa Lalawigan ng Laguna na tinatawag na Center for Agricultural and Rural Development (CARD) upang makapagkaloob ng walang panagot na pautang na umaabot sa P2,000 upang makatulong sa mga mahihirap na mamamayan na matulungan ang kanilang sarili. Ngayon, ang CARD Mutually Reinforcing Institutions (Group of Companies ) ay may 500,000+ na kliyente o natutulungan na ang nakararami ay kababaihan na matatagpuan sa lahat ng sulok ng bansa, at sila ay umaasa na bago sumap...

HALAGA NG CERTIFICATE OF NON-MARRIAGE, P270

Nagkabisa noong Mayo 1, 2008, ang bayarin sa paghiling ng birth certificate, marriage certificate, at death certificate na nakalimbag sa tinatawag na National Statistics Office (NSO) Security Paper ay P215, kung saan ang P15 ay para sa documentary stamp. Ito tumatagal ng isang linggo bago makuha dahilan sa ang aktwal na naghahanda nito ay ang NSO Central Office sa Maynila. Ang dating P255 para sa paghiling ng Certificate of Non-Marriage (CENOMAR) na karaniwang pangangailangan ng mga humihiling ng lisensya sa pagpapakasal o marriage license ay itinaas na rin sa halagang P270 bawa’t sipi, sang-ayon kay Local Civil Registrar Benedicto D. Danila. Samantala, nabatid mula na ang kabuuang halaga na dapat bayaran sa pagtubos o pagkuha ng lisensya sa pagpapakasal ay P210, para sa sumusunod: Marriage Application Form, P10; Application Fee, P50; Seminar on Family Planning, P50; at Marriage License, P100. Lakip na ipinaaalaala na ang lisensya ay makukuha lamang pagk...

THE OUTSTANDING SAN PABLEÑOS CHOSEN IN CONNECTION WITH SEVEN LAKES CITY CHARTER ANNIVERSARY

Dr. Jaime Aristotle B. Alip , founder & managing director of CARD MRI lead this year selection of “The Outstanding San Pableños” chosen to help commemorate the 68th Founding Anniversary of the City of San Pablo. He was chosen for Rural Development Through Microfinancing Category.” Commonwealth Act No. 520 granting City Charter to then prosperous town of San Pablo was approved by President Manuel Luis Quezon on May 7, 1940, and formally inaugurated its city government on January 2, 1941 with Interior Secretary Rafael Alunan inducting the first set of city officials led by former Laguna Governor Potenciano Malvar as appointed City Mayor. In the announcement made by Dr. Ester C. Lozada, City Schools Superintendent and chairperson of the selection committee created through an executive order issued by Mayor Vicente B. Amante, other awardees who will be formally honored by the community during a formal dinner meeting of city officials with community leaders at the Coco Palace Hotel and ...

Kabit Na - SPCWD

Alang-alang sa pagsapit ng ika-35 anibersaryo ng pagkakatatag ng San Pablo City Water District, sa bisa ng isang kapasiyahang pinagtibay ng Board of Directors nito, ang lahat ng klase ng koneksyon papasok sa mga tahanan , simula pa noong Marso 31 hanggang sa Hulyo 31 ay sisingilan lamang ng P1,196.00, mula sa may uring sub-connection na kalakarang binabayaran ng P2,128.80, hanggang sa may-uring long lateral o iyong ang linya ay itatawid ng malalawak na lansangan at mga kongkretong bangketa na binabayaran ng halagang hindi bababa sa P9,863.00. Ayon kay General Manager Roger Borja, mula Agosto 1 hanggang Disyembre 31, 2008, ang bayarin ay itataas sa halagang P1,250.00. Nilinaw ni Engr. Borja na ang kaluwagang ito ay para sa lahat ng mga bagong aplikante, at ang kanyang hamon ay “Magpakabit ng Bagong Serbisyo ng Patubig sa Ibinagsak na Halaga! Libreng materyales, Libreng Labor.” Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Kabit-Promo ng San Pablo City...