Skip to main content

Posts

PAGPAPAHALAGA AT PASASALAMAT NG IGLESIA NI CRISTO

Si Kapatid na Warren Flores, ministrong destinado sa Lokal ng San Pablo City, ay ipinararating ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga kinauukulang pinunong bayan na nakipagtulungan upang maging maayos ang isinagawang palaro ng mga kabataan ng Iglesia Ni Cristo na ginanap dito sa Lunsod ng San Pablo noong nakaraang Sabado, Mayo 21, 2011    Ang palaro ay sinimulan sa pamamagitan ng sama-samang pagtakbo sa Dagatan Boulevard sa paligid ng Sampaloc Lake na pinagabayan ni Chief of Police Ferdinand dG de Castro, na sinundan ng ilang outdoor athletic activities sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School Campus, na ipinagmagandang-loob ni Bb. Evelyn Malabag, punong guro,  at indoor activities na isinagawa sa San Pablo Central School Stadium sa kapahintulutan ni G. Hemenes Bagsic, punong guro.        Sa dahilang ang CLDDMNHS Campus, at ang San Pablo Central School ay nasa hurisdiksyon ng Barangay VI-A (Mavenida), ipinararating din ni...

LakeCon 2011 calls for an integrated lake management

TAYTAY, Rizal, May 17 (PIA) -- The Second National Congress on Philippine Lakes organized by the Philippine Council for Aquatic and Marine Research (PCAMRD) was held on April 27-29, 2011 in partnership with the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) at U.P. Los Baños in Laguna.      With the theme, “Building on the Pillars on Integrated Lake Basin Management”, LakeCon 2011 brought together stakeholders, policymakers and the academe to discuss the Integrated Lake Basin Management (ILBM) as an approach to help the country achieve a common framework for lake management.      In his welcome remarks, SEARCA Director Dr. Gil Saguiguit, Jr. conveyed the need to strengthen partnerships and linkages among key stakeholders in the management of the country’s lakes to address its common issues.      Accordingly, ILBM integrates six management elements, namely, institutions, policy, stakehol...

GEL ADRIANO, TO JOIN MAYORAL RACE

      San Pablo City --- A last termer councilor has announced his intention to join 2013 open mayoralty race to be vacated by third termer City Mayor Vicente B. Amante here.      Serving the unexpired term of the late councilor Delo Cortez when appointed, Councilor Angelo Adriano was elected for three successive term ever since even topping the last 2010 synchronized national and local elections.      Adriano brings with him his rich experience as local lawmaker, his connections to national leadership and personalities, as well as his know how in civic and philanthropic advocacies being an active member of Rotary Club of San Pablo City South,   in presenting   his program of government to San Pableños.      Adriano will complete the 4As who will vie for mayorship in 2013 and is considered as one of the frontrunners of the said race.     Earlier it has been rumored that former Congres...

BANTAYOG NI DR JOSE P RIZAL SA HIBIYA PARK SA TOKYO

Ang bantayog para sa alaala ni Dr. Jose P. Rizal sa Hibiya Park sa Chiyoda City sa Tokyo,  isang 16.16-ektaryang parke sa pag-itan ng palasyo ng Emperador  at ng government center ng Japan,   ang pinagtutuunan ng pansin ng mga kaanib sa Lokal ng Tokyo ng Iglesia Ni Cristo (North East Asia District) kung ang pamahalaan ay nagtataguyod ng mga clean-up drive para lahukan ng mga kusangloob na mamamayan. Ang nasa gitna ng larawan sa tabi ng bantayog ay si Gng. Imee M.  Yoshinaga na isang malapit na kamag-anak ni Mayor Vicente B. Amante. ( Ruben E. Taningco )

TULAY SIBULAN SA NAGCARLAN, IPATATAYO NA

Si Congw. Ivy Arago samantalang sinasangguni si Engr. Josefino Abrigo kaugnay ng isang proyektong hinihiling ng isang punong barangay. SITYO BALOC, San Pablo Cit y – Masayang iniulat ni Punong Barangay Ariel S. Barrios ng Barangay Sibulan sa Nagcarlan, na sa tulong ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay maipatatayo na ang matagal ng pinapangarap   na tulay paliban sa Ilog Sibulan, na tuwirang mag-uugnay sa walong barangay sa kabayanan ng Nagcarlan.       Bukod sa Barangay Sibulan, makikinabang din ang mga resident eng Barangay Maravilla, Manaol, Kanlurang Kabubuhayan, Banca-banca, Buenavista,  Buhangin, at Wakat, sa batay sa 2007 Population Survey ng National Statistics Office ay pinananahanan ng 6,866 o ika-16 porsyento ng populasyon ng Nagcarlan.      Ayon kay Barrios, malaki ang kanilang pasasalamat kay Congw. Ivy Arago, sapagka’t   nang pagsadyain ng mga punong barangay ng walong nayon   ang mambabatas, ay hindi kaagad si...

PATALAAN SA COMELEC, IPINAGPAPATULOY NA

Ipinaaalaala sa lahat na pag-alinsunod sa mga tadhana ng Resolution No. 9168 ng Commission on Elections ay ipinagpapatuloy ang pagtatala ng mga bagong botante simula pa noong nakaraang Martes, Mayo 3, 2011 na tatagal hanggang Oktubre 31, 2012, upang makaboto sa National and Local Elections na nakatakdang maganap sa Mayo 13, 2013.      Ang pagtatala ay isasagawa araw-araw,   simula sa ika-8:00 nng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.   Walang isasagawang pagtatala simula Disyembre 23, 2011 hanggang Enero 1, 2012 bilang pagsasaalang-alang sa panahon ng Kapaskuhan.      Sang-ayon sa mga umiiral na batas, ang mga katanginan ng may karapatang magpatala ay ang mga sumusunod: mamamayang Pilipino na ang gulang ay hindi bababa sa 18 taon sa Mayo 13, 2013; naninirahan sa barangay na pagpapatalaan ng hindi kukulangin sa loob ng anim (6) buwan; at tuloy-tuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon, kung pansamantalang nanirahan sa labas ng...

EDUKASYON ANG SANDATA NG KATAHIMIKAN – VIC AMANTE

Sa nakaraang pakikipanayam ng npahayagang ito, binigyang diin ni Mayor Vicente B. Amante na “Edukasyon ang Sandata ng Katahimikan” at sandigan sa ikapagkakaroon ng pamayanan maunlad at matatag na hinaharap. Ito umano ang nasa kaisipan ni Gat Jose P. Rizal  na ang pinangarap ay mapagkalooban ng pangunahing edukasyon o basic education ang mga kabataang mula sa karaniwang pamilya,      Dapat alalahanin na nang si Dr. Rizal ay maging isang tapon o exile sa Dapitan, ang kanyang pinagtuunan ng pansin ay hindi ang gamutin ang karamdaman ng mga taga-Dapitan, kundi gamutin ang umiiral na kamangmangan ng mga taga-roon, sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata ng pagbasa at pagsulat, pagkukuwenta, at nang ang mga kabataan ay mapunlaan na niya ng mga pangunahing kamalayan, ay saka niya tinuruan ng tamang pagkokopra, pangingisda, paggagawa ng mga tubong tisa na ginamit sa pagtatayo ng sistema ng patubig,      Maging ang negosyante sa Dapitan ay hinikayat ...