SAN PABLO CITY – Ang mga mamamayan ng lunsod na ito ay hindi kinakailangang bumayad para lamang mapanood ng “live” ang hinihintay ng maraming labanan nina Manny “Pacman” Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. na kinikilalang “Fight of the Century” dahil sa ang pangasiwaang lokal sa pangunguna ni Mayor Loreto S. Amante ay magtataguyod n g live streaming ng boxing bout sa darating na Linggo, Mayo 3, sa PAMANA Hall sa City Hall Complex dito. Dito rin napanood ng walang bayad ang Manny Pacquiao-Chris Algieri Fight noong nakaraang Nobyembre. Ang Pacquiao-Mayweather Fight ay magaganap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos, at ala-8:00 pa lamang ng umaga ay magsisimula na ang paglalabas ng mga undercard matches hanggang sumapit ang main event sa pamamagitan ng isang high-definition LCD (liquid crystal display) screen. Ayon kay City Information Officer Leonides A. Abril Jr., ang pagpapaupo ay “on first come, first serve basis.”
Sa mga pinunong barangay, na ang marami rito ay “may pinag-aralan,” na naghahanap pa ng ispisipikong memorandum mula sa Department of the Interior and Local Government, o Punonglalawigan/Punumbayan para kanilang ipatupad ang mga tadhana ng Ecological Solid Waste Management Act at ng Clean Air Act, ay naririto ang pahayag ni Senadora Loren Legarda, “You keep looking for alternatives, you keep holding multi-sectoral talks, you keep researching. What more are you consulting about when all our research is already in the law? You just need to implement it.”