Skip to main content

Posts

Operation Sagip Niyog

Pinagsisikapan ni Punong Barangay Ignacio B. Garcia (kanan) ng Barangay Sta. Catalina na maging pamilyar sa kaanyuan ng coconut leaf beetle (Brontispa Longissima) na kasalukuyang namiminsala sa mga punong niyog dito sa Katimugang Tagalog. Kasama niya sa larawan si dating Punong Barangay Roman Rivera ng Barangay Dolores na dumalo rin sa papulong na ipinatawag ng Philippine Coconut Authority sa Starlake Hotel and Resort sa Barangay San Buenaventura kamakailan. (RET)

2007 CREBA National Convention
on October 25 – 27 in Cebu City

Real estate industry players will converge at Cebu City on October 25-27 for the 2007 National Convention of the Chamber of Real Estate & Builders' Associations (CREBA), to be hosted by CREBA-Cebu, on the theme "The Land Sector's Quantum Leap to the Future". As the theme suggests, the event will highlight the latest technologies that could propel the land sector to unprecedented heights in the coming years. The 2007 Convention will tackle such topics as geographic information systems (GIS), land information databasing, optimizing internet use for global business networking, business process outsourcing, and a host of other relevant issues. The annual national convention traditionally offers CREBA members, as well as non-members, excellent opportunities for information-sharing and business and social networking, through the series of symposia, workshops, government-private sector dialogues, and social, athletic and fellowhsip activities. ...

MAGTANIM NG PUNONG NIYOG PARA SA UBOD

Bagama’t ang mga batang punong niyog o ang mga punong wala pang tatlong (3) taong naitatanim sa plantasyon ay hindi sakop ng pagbabawal putulin sa ilalim ng Coconut Preservation Act o Republic Act No. 8048, nagpapayo si Regional Coconut Development Manager Edilberto M. de Luna sa mga nagnanais na magtanim ng punong niyog para pagsapit na tamang laki ay putulin para kunin ang ubod, na ang binabalak na pagtatanim ay iulat sa pinakamalapit na tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) upang ang palatuntunan ay maayos na masubaybayan ng pangasiwaan para sa Kagawaran ng Pagsasaka. Nilinaw ni de Luna na “ang punong niyog na wala pang tatlong (3) taong naitatanim ay hindi kasama sa pagbabawal putulin, at ito ay maaaring anihin para kunin ang ubod na hindi nalalabag ang Batas Republika Bilang 8048 at ang Implementing Rules and Regulations nito.” Kaugnay ng produksyon ng ubod, na kinikilalang bahagi ng palatuntunan sa produksyon ng pagkain, iniulat ni de Luna na ang Research...

MAJOR ALICBUSAN, LIMOT NA BAYANI

Pag-alinsunod sa Batas Republika Bilang 9492, na sumusog sa Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No. 292, o Administrative Code of 1987, ang huling Araw ng Lunes ng Buwan ng Agosto ay itinatakdang Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day, Simula ng manungkulan si Alkalde Vicente B. Amante ay naging tradisyon na ang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani ay ganapin sa paanan ng bantayog ni Gat Andres Bonifacio sa dahilang ito ay nakatayo sa kapaligiran ng Doña Leonila (Mini-Forest) Park, at ang bantayog ay malapit lamang sa Bantayog Para Sa Alaala ng mga Martir ng Himagsikan na ipinatayo ng mga Diakonesa ng Iglesia Filipina Independiente noong ikalawang dekada ng pananakop ng mga Americano; at pananda para sa mga Defenders of Bataan and Corregidor at iba pang bayani ng Ikalawang Digmaan. Ang bantayog ay halos katapatan ng isang concrete obelisk o pananda para sa alaala ni Major Leopoldo Alicbusan ng 27th Company ng Philippine Constabulary (PC) n...

KAMPANYA KONTRA BRONTISPA, TULOY-NA-TULOY

ALAMINOS, Laguna - Ang Operation Sagip Niyog o ang malawakang kampanya upang masugpo ang paglaganap ng coconut leaf beetle (Brontispa Longissima) dito sa Laguna sa koordinasyon ng Laguna Provincial Coconut Development Office ng Philippine Coconut Authority (PCA) ay tuloy-na-tuloy, at isinasagawqang may pakikipag-ugnayan sa mga Liga ng mga Barangay sa lahat ng mga coconut producing communities sa lalawigan, na sinusuportahan din ng Regional Crop Protection Center ng Department of Agriculture na naka-base sa Los Baños, sang-ayon kay Provincial Coconut Development Manager Lanie M. Lapitan na ang punong tanggapan ay nasa bayang ito. Ikinatutuwa ni Bb. Lapitan na maraming mga pinunong lokal, at propetaryo ng mga pataniman ng niyog dito sa sakop ng 3rd and 4th Congrossional District ang ganap na nakikiisa sa ikapagtatagumpay ng kampanya, sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanilang ng tama at makabuluhang feedback ukol sa kalalagayan ng peste sa kani-kanilang lugar, sapagka’t ito...

PAGTATANIM NG GULAY, MAY POTENSYAL – APOSTOL

ALAMINOS, Laguna - Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC), iniulat ni Municipal Agriculture Officer (MAO) Gladys D. Apostol dito na pag-alinsunod sa nagkakaisang tagubilin nina Gobernadora Teresita S. Lazaro at Alkalde Eladio M. Magampon, ang kanyang tanggapan ay naglunsad ng isang malawakang palatuntunan sa pagtatanim ng gulay, una ay upang matugunan ang pangangailangang pangnutrisyon sa bawa’t tahanan, at kung ang nagtatanim ay magkaroon na ng sapat na karanasan at kamalayan sa paghahalaman, ay mapagkukunan pa ito ng karagdagang kita na mitutustos sa iba pang pangangailangan ng pamilya. Tinitiyak ni Gng. Gladys Apostol na malaki ang potensyal ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay bilang paraan ng paghahanapbuhay. Dahil sa maraming pamayanang dating pataniman ng gulay, ang ngayon ay nasakop ng mga industrial zone o naging tayuan ng mga malalaking pabrika o bahay-kalakal. Ito ay nagpababa sa antas ng produksyon ng pagkain dito sa mga Lalawigan ...

MAMAMAYAN ATING INGATAN – ILAGAN

Pag-alinsunod sa Palatuntunang Mamamayan Ating Ingatan na inilunsad noong magtatapos ang Taong 2004 bilang isang konsehal na bumalangkas ng palatuntunan sa paghahatid ng mga tulong na panglipunan sa mga mamamayan, nabanggit ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na ang mga mamamayang ay patuloy na paglilingkuran ng kanyang tanggapan o ng Office of the Vice Mayor sa abot ng kaniyang kakayanan, at ang lahat ay kanyang hinihikayat na makipag-ugnayan sa kaniyang tanggapan upang ilahad ang kanilang pangangailangan, bagama’t tinatanggap niyang hindi niya maipagkakaloob ang lahat ng mga magiging pangangailangan ng mga lumalapit na mamamayan, subali’t nabanggit niyang may mga pamamaraan upang ang kanyang tanggapan ay makapagkaloob o makapagpaabot ng mga paglilingkod at pagtangkilik na panglipunan. Kaugnay ng malawakang kampanya na inilunsad nila ni Alkalde Vicente B. Amante laban sa Dengue Fever, nabanggit ni Vice Mayor Martin Ilagan na dapat ay naaayon sa rekomendasyon ni Dr. Job Br...